BREAKING NEWS

Tuesday Vargas tinalakan nagsabing ‘NPA’ mga taga-UP

Tuesday Vargas tinalakan nagsabing 'NPA' mga taga-UP

GALIT na galit ang TV host-comedienne na si Tuesday Vargas sa isang netizen na nagdawit sa mga taga-Unibersidad ng Pilipinas (UP) na miyembro raw umano ng New People's Army (NPA).

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, January 8, binalaaan niya ang lalaki na huwag idamay ang pangalan ng naturang unibersidad sa "feeble-minded" na pakikipag-argumento.

"Do not drag the name of the school into your feeble-minded arguments," saad ni Tuesday.

Aniya, hindi raw miyembro ng NPA ang mga iskolar ng bayan at nagpaalala rin sa publiko tubgkol sa mga ganoong klase ng kuwento.

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas humugot, hindi sapilitan ang pagreregalo tuwing Pasko

"Hindi NPA ang mga iskolar ng bayan. Huwag po tayong naniniwala basta sa ganitong kwento. Nakakahiya ka Kuya. Kilala mo kung sino ka," giit ni Tuesday.

Balak pa nga sana niyang i-tag ang taong pinasasaringan ngunit masama naman raw na pumatol sa taong may kapansanan.

"Ita tag ko na sana kaso in bad form kasi di tayo dapat pumapatol sa PWD. Pero Kuya naman, napaka babaw ng argumento mo at isang lupon pa ng mga di nag iisip din ang kasama mo sa comsec na nakiki isa sa iyo. Umayos ka!" sabi pa ni Tuesday.

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa mga pahayag ng komedyana.

"Noong 2000, nagkaroon ng student survey sa UP Diliman kung ano ang mga problema ng campus. Parking ang lumabas na top problem. Tapos 25 years after, tuloy pa rin ang narrative na NPA?" 

"DDS NARRATIVE YAN. SA DAMI NG POLITIKO NA GUSTO MANGAMKAM NG LUPA NG INDEGENOUS PEOPLE NA WALANG LABAN. ANG KAKAMPI LANG NILA NPA.. ANG MASAKIT PILIPINO LABAN SA KAPWA PILIPINO DAHIL NEED SUNDIN MGA KUPAL NA POLITIKO." 

"I salute all iskolar ng bayan. Sila kasi yong mulat sa tunay na estado ng buhay sa pilipinas kasi most of them naranasan ang kahirapan at pang aabuso. Very immature to drag their names to such issues. They don't deserve it."

The post Tuesday Vargas tinalakan nagsabing 'NPA' mga taga-UP appeared first on Bandera.


Tuesday Vargas tinalakan nagsabing ‘NPA’ mga taga-UP Tuesday Vargas tinalakan nagsabing ‘NPA’ mga taga-UP Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close