BREAKING NEWS

REVIEW: Bagong ‘Anaconda’ certified feel-good movie, wagi sa tawanan

REVIEW: Bagong 'Anaconda' certified feel-good movie, wagi sa tawanan
PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

PANALO sa katatawanan ang bagong pelikulang "Anaconda" na pinagbibidahan nina Jack Black at Paul Rudd!

Napanood ito ng BANDERA sa isang exclusive advance screening sa Columbia Pictures headquarters sa Ortigas, at tawang-tawa talaga kami sa bawat eksena.

Halo-halo ang comedy, adventure, at good vibes na siguradong magpapatawa kahit sa pinaka-stressed na manonood. 

Muling pinatunayan ni Jack Black na stealer siya ng eksena, na kung saan ay over-the-top ang kanyang pagiging comedy pero swak na swak.

Baka Bet Mo: LIST: 8 Hollywood films na sasalubong sa mga sinehan sa January 2026

Siguradong tatama sa funny bone mo ang bawat galaw at tingin niya, pati na rin ang facial expressions niya.

Dagdag pa rito ang napakagandang tandem niya kay Paul Rudd. 

Genius move ang pag-partner sa kanilang dalawa dahil effortless ang kanilang comedic chemistry. 

Kahit simpleng eksena lang, nagiging laugh-out-loud moment dahil sa kanilang palitan.

Hindi rin pahuhuli ang buong cast na dagdag solid energy at controlled chaos sa pelikula. 

Walang out of place, lahat may ambag sa kasiyahan. 

Bukod sa tawanan, mapapa-wow ka rin sa ilang surprise cameo na talagang hindi mo aasahan!

Nang makita namin sila, malakas ang naging reaksyon ng audience!

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/xnwhVPAVdjs?si=zlEqZ_eDPL-1HHgS" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Ang bagong action-comedy film ay showing na sa mga lokal na sinehan na tungkol kina Doug (Jack Black) at Griff (Paul Rudd) na matalik na magkaibigang magkasama na mula pagkabata. 

Pangarap nilang i-remake ang classic na pelikulang "Anaconda," pero ang akala nilang simpleng trip sa Amazon ay mauuwi sa isang kaguluhan na puno ng midlife crisis, kapalpakan, at isang totoong higanteng ahas!

Sa halip na smooth na shooting, ang kanilang dream project ay naging isang deadly adventure na posibleng maglagay sa kanila sa matinding panganib.

Sa direksyon ni Tom Gormican, tampok din sa pelikula sina Steve Zahn, Thandiwe Newton, Daniela Melchior, at Selton Mello.

The post REVIEW: Bagong 'Anaconda' certified feel-good movie, wagi sa tawanan appeared first on Bandera.


REVIEW: Bagong ‘Anaconda’ certified feel-good movie, wagi sa tawanan REVIEW: Bagong ‘Anaconda’ certified feel-good movie, wagi sa tawanan Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close