Ricci Rivero, Juliana Gomez spotted na magka-holding hands, magdyowa na nga ba?

IN a relationship na nga kaya ang basketball player na si Ricci Rivero at ang anak ni Richard Gomez na si Juliana Gomez?
Spotted kasi ang dalawa na magkasama sa isang mall at magka-holding hands na naglalakad at nagtatawanan pa.
Isang TikTok user ang nagbahagi ng video kung saan makikitang palabas ng isang gadget shop sina Ricci at Juliana na masayang magkahawak kamay.
Nakasuot si Juliana ng denim jacket, pants at sneakers habang ang basketbolista ay naka-jacket at slim-fit joggers.
Baka Bet Mo: Ricci Rivero, Juliana Gomez nagkakamabutihan na?
Kaya naman ang tanong ng netizens ay kung officially in a relationship na sina Ricci at Juliana lalo na't hindi ito ang unang pagkakataon na namataang magkasama ang dalawa.
Noong November 2025, nakunan sila ng litrato sa isang wall climbing gym kasama ng isang fan.
Noong December 2025 naman ay dumalo si Ricci sa 33rd Southeast Asian Games hindi bilang manlalaro kundi para magbigay suporta kay Juliana.
Nag-uwi si Juliana ng bronze medal mula sa women's team epee event.
Nakunan rin ng One Sports ng litrato si Juliana na nakasuot pa ng kanyang fencing uniform na lumapit sa puwesto ni Ricci.
Samantala, inamin naman noon ni Goma sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" na may bago nang nauugnay sa kanyang anak.
Ngunit hindi naman binanggit ng aktor kung ito ba ay si Ricci basta isinama na lang daw ito ni Juliana sa kanilang family dinner.
The post Ricci Rivero, Juliana Gomez spotted na magka-holding hands, magdyowa na nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: