BREAKING NEWS

Janine Berdin pumalag sa basher ng kanyang ilong: ‘Trip at afford ko, bakit ba?!’

Janine Berdin pumalag sa basher ng kanyang ilong: 'Trip at afford ko, bakit ba?!'
PHOTO: Instagram/janineberdin

HINDI pinalampas ni Janine Berdin ang mga komento tungkol sa pagbabago ng kanyang mukha matapos ang nose enhancement.

Sa Facebook, sinabi ng singer na maraming pumupuna ng kanyang mukha at madalas makatanggap ng hate comments tulad ng: "Wala ng trace ng Janine sa mukha niya."

Dahil diyan, hindi na nakapagtimpi si Janine at malinaw niyang ipinaliwanag na normal lang ang pagbabago ng itsura habang tumatanda.

"Beh, I was around 15 years old when you saw me on TV. Sixteen years old ako nung nanalo ako sa ['Tawag ng Tanghalan'], eight years ago yun. I'm 23 now bro," sey ni Janine sa post.

Baka Bet Mo: Janine Berdin may sariling banda na: This is my dream…this means the world to me

"Ilong lang pinaayos ko pre kasi trip at afford ko bakit ba. Tsaka pri makeup yan pri," dagdag pa niya, may halong pagpapatawa.

Binanggit din niya na may ilang netizens, na ayon sa kanya ay may "questionable" appearances, ang nagsabing parang halos pareho ang mukha niya sa iba pang nagpa-enhance.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FJanine.Berdin%2Fposts%2Fpfbid088Bb5B6J1HZQEmmC25CfPg8FHwfqJoygA1YPstp64JZ9SdLn5woU1EuiUprw3wEfl&show_text=true&width=500" width="500" height="756" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

"No secure, happy and BEAUTIFUL person has the time to spread hate. So you guys are really just telling on yourselves," dagdag niya, na may matapang na saloobin.

Gayunpaman, nagpasalamat siya sa mga tunay na nagpapahalaga sa kanyang pagiging totoo at nagpapaalala na may karapatan ang bawat isa na gumawa ng desisyon para sa sarili.

"Be so obsessed with taking care of yourself and you'll also grow for the better," saad niya.

Sa pagtatapos ng post, pinukaw niya ang lahat ng kritiko: "'You've changed.' Isn't that the point of not being 16 anymore?"

Matatandaan noong 2020, ibinunyag at inamin ni Janine na nagpa-nose job siya bilang ito ang kanyang biggest insecurity.

The post Janine Berdin pumalag sa basher ng kanyang ilong: 'Trip at afford ko, bakit ba?!' appeared first on Bandera.


Janine Berdin pumalag sa basher ng kanyang ilong: ‘Trip at afford ko, bakit ba?!’ Janine Berdin pumalag sa basher ng kanyang ilong: ‘Trip at afford ko, bakit ba?!’ Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close