BREAKING NEWS

Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026

Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026

PATAY ang isang photojournalist habang nagco‑cover ng taunang Traslacion ngayong Biyernes, January 9.

Ang malungkot na balita ay ayon sa ulat mula sa ilang media sources.

Ang nasawi raw ay kinilalang si Itoh Son, 55 anyos, na nagtatrabaho para sa tabloid na Saksi.

Base sa paunang imbestigasyon, inatake sa puso si Son habang sakay ng foot patrol malapit sa Manila Police District (MPD) Station 5. 

Natagpuan siyang walang malay at walang pulso.

Baka Bet Mo: Coco Martin, Angeline, McCoy, Renee Salud matindi ang kapit kay Jesus Nazareno 

Dalawang ambulansya agad ang rumesponde at agad siyang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sinabi rin sa ilang ulat na mayroon umanong flu si Son ilang araw bago ang Traslacion pero pinilit pa rin niyang tapusin ang coverage.

Samantala, ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno ay opisyal na nagsimula bandang 3:58 a.m. ngayong araw, mula sa Quirino Grandstand papunta sa Quiapo Church sa Maynila.

Ang prusisyon ay may humigit‑kumulang na 5.8 kilometro na ruta sa kahabaan ng Maynila, kabilang ang ilang parke, plaza, tulay, underpass, at mga kalye.

Inaasahang mas maaga itong matatapos kumpara noong nakaraang taon na inabot ng halos 21 oras.

As of 11 a.m., nasa Ayala Bridge na ang andas at nasa 180,000 ang mga deboto na naroon.

The post Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026 appeared first on Bandera.


Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026 Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026 Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close