BREAKING NEWS

Bato dela Rosa pwedeng ipaaresto ng Senado –Tito Sotto

Bato Dela Rosa pwedeng ipaaresto ng Senado –Tito Sotto
PHOTO: Facebook/Bato dela Rosa

MAAARING magpalabas ang Senado ng arrest order para kay Senator Ronald "Bato" dela Rosa.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III at ipinaliwanag na gagawin lamang ito kung talagang kailangan ang presensya ni dela Rosa sa Senado dahil may mahalagang pagbobotohan.

Makaboboto lamang ang isang senador kung siya ay nasa Session Hall.

"Meron sa rules namin kapag meron botohan at importante ang boto mo o importante pabotohin lahat, ika nga kakapusin o sosobra boto ng iba pwedeng imando ng Senate President na kunin o arestuhin ang senador para bumuto," sey ni Sotto.

Baka Bet Mo: Bato dela Rosa binengga: Napakaduwag! Mambabatas, tumatakas ka sa batas!?

Aniya, may mga pagkakataon na nangyari nang may ipinahanap at ibinalik ang isang senador sa Senado para bumoto.

Halos dalawang buwan nang hindi pumapasok sa Senado si dela Rosa simula ng lumabas ang impormasyon na naglabas na ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanya.

Binanggit ni Sotto na nagkakaroon naman ng quorum ang mga komite kung saan opisyal o miyembro si dela Rosa.

Sinabi pa nito na hindi pa nakikipag-usap sa kanya si dela Rosa simula nang hindi na ito pumasok sa trabaho noong November 10.

The post Bato dela Rosa pwedeng ipaaresto ng Senado –Tito Sotto appeared first on Bandera.


Bato dela Rosa pwedeng ipaaresto ng Senado –Tito Sotto Bato dela Rosa pwedeng ipaaresto ng Senado –Tito Sotto Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close