‘Pahalik’ ng Jesus Nazareno hanggang January 10 na –Quiapo Church

EXTENDED hanggang January 10 ang tradisyonal na "Pahalik" ng imahen ng Poong Jesus Nazareno.
Sa isang Facebook post, sinabi ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o mas kilala bilang Quiapo Church na magpapatuloy ito hanggang alas-10 ng umaga sa Sabado.
Nagsimula ang relihiyosong aktibidad bandang 7:00 p.m. noong Miyerkules, January 7, ilang araw bago umarangkada ang Traslacion o ang tradisyonal na prusisyon ng imahen mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Baka Bet Mo: Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: 'This is my 12th life'
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0bT3JLHogW85W2BBFBRYApJk9kiP5HBEhRr1kXtb1YuxXWg991WVXC26tWfxCVdnbl&show_text=true&width=500" width="500" height="679" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Ayon kay Silgen Cabrito, communications coordinator ng simbahan, ang pagpapalawig ng Pahalik ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto, lalo na't pumatak sa araw ng Biyernes ang kapistahan.
Nilinaw rin ni Cabrito na ang prusisyon o Traslacion, kung saan inilipat mula Quirino Grandstand patungong simbahan ang orihinal na imahen ni Jesus Nazareno, ay magpapatuloy batay sa iskedyul at nakaplano.
Nabanggit din niya na tanging replika lamang ng imahen ang ginagamit sa Pahalik.
Taon-taon, umaabot sa daang libo o milyon ang mga deboto na dumadagsa sa kalsada ng Maynila bilang pagpapakita ng kanilang pananampalataya.
Noong 2025, higit 8.12 milyong deboto ang nakilahok sa selebrasyon.
The post 'Pahalik' ng Jesus Nazareno hanggang January 10 na –Quiapo Church appeared first on Bandera.

No comments: