BREAKING NEWS

Batang ina binenta ng P55,000 ang sanggol, arestado sa QC

Batang ina binenta ng P55,000 ang sanggol, arestado sa QC
PHOTO: Philippine National Police Women and Children's Protection Center

ARESTADO ang isang 17-anyos na ina matapos umano niyang ibenta ang kanyang isang buwang sanggol sa halagang P55,000.

Ayon sa Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), natuklasan nila ito nang mag-post ito sa social media na nag-aalok na ibenta ang kanyang sanggol.

Nakipagkita pa nga raw ito kamakailan lang sa buyer sa isang fast-food chain sa Quezon City.

Kwento ni WCPC chief Brig. Gen. Maria Sheila Portento na iniulat ng INQUIRER, ginastos ng menor de edad na ina para sa kanyang tuition.

Baka Bet Mo: AJ Raval inalala ang hirap ng pagiging batang ina: 'No money, no stable income'

Plano raw nitong gamitin ang kita mula sa pagbenta ng kanyang anak para makapag-aral.

Nabanggit din ni Portento na nakipag-ugnayan na sila sa isang tao sa Japan na nagpapadala ng pera para bilhin ang sanggol.

Hindi tinukoy ng WCPC kung magkano na ang naipadala ng banyaga sa dalaga.

Ang nakulong na batang ina at ang kanyang sanggol ay isinailalim sa pangangalaga ng Quezon City Social Services Department.

Tungkol naman sa pananagutan ng dalaga, nakasaad sa Section 6 ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice Act na ang mga batang 15 hanggang 18 taong gulang ay hindi mananagot sa krimen "unless he or she has acted with discernment."

"Her discernment, based on the certification of the social worker who conducted the assessment, was above average. She was fully aware; she planned it and executed it," sey ni Portento.

Ayon pa sa kanya, maaaring kasuhan ang suspek sa umano'y paglabag sa Section 4(a) at (e) ng Republic Act No. 9208, na binago ng RA No. 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, pati na rin sa Section 7 ng RA No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinabi rin ni Portento na maaaring kasuhan ang dalaga kaugnay ng RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act dahil ginamit niya ang social media sa pagbenta ng kanyang sanggol.

Dagdag pa niya, iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng papel ng ama ng sanggol na kaka-18 years old lang.

The post Batang ina binenta ng P55,000 ang sanggol, arestado sa QC appeared first on Bandera.


Batang ina binenta ng P55,000 ang sanggol, arestado sa QC Batang ina binenta ng P55,000 ang sanggol, arestado sa QC Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close