BREAKING NEWS

8 luxury cars ni Zaldy Co binatak, dinala sa ICI at PNP-HPG

12 luxury cars ni Zaldy Co binatak, dinala sa ICI at PNP-HPG

WALONG mamahaling sasakyan na sinasabing pagmamay-ari ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ang kinumpiska ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes, January 8.

Kabilang sa mga natagpuan sa parking area ng isang condominium building sa Bonifacio Global City, Taguig City ay tig-isang Rolls-Royce, Cadillac, Escalade, Lexus, Toyota Sequoia.

Sinabi ni Police Colonel John Guiagui, hepe ng CIDG–National Capital Region (CIDG-NCR), may 15 na sasakyan na pag-aari umano ni Co ang kanilang hinahanap, ngunit siyam lamang sa mga ito ang sakop ng search warrants.

Dinala ang mga ito sa compound ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa nasabi ding lungsod.

Baka Bet Mo: 'Zaldy Co' um-attend sa kasal: Marami pa akong maletang ipapadala sa inyo!

May lima pang sasakyan na sinasabing pag-aari din ni Co ang nasa kustodiya ng PNP-Highway Patrol Group dahil sa may records ng mga paglabag.

Ang hakbang ng mga awtoridad ay kaugnay pa rin sa sinasabing pagkakadawit ni Co sa mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi pa ni Guiagui na may mga nagtangka na ilabas ang mga sasakyan, pero napigilan ng mga tauhan ng Taguig City Police.

Ngunit nadiskubre na dalawang sasakyan na iniuugnay kay Co ang naitakas bago dumating ang mga pulis.

The post 8 luxury cars ni Zaldy Co binatak, dinala sa ICI at PNP-HPG appeared first on Bandera.


8 luxury cars ni Zaldy Co binatak, dinala sa ICI at PNP-HPG 8 luxury cars ni Zaldy Co binatak, dinala sa ICI at PNP-HPG Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close