Bongbong Marcos, Sara Duterte nakiisa sa Pista ng Poong Nazareno

NAGPAABOT ng pakikiisa sina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa mga deboto ngayong Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno nitong Biyernes, January 9, 2026.
Sa kanilang magkahiwalay na pahayag na naka-post sa kani-kanilang official Facebook pagd ay ibinahagi nila ang kanilang mensahe ng pakikiisa.
"As we mark this year's Feast, I invite everyone not only to reach for the Nazareno's image, but to let this devotion guide the way we think, act, and help one another long after the procession has passed," pagbabahagi ni Marcos.
Pagpapatuloy pa niya, "If we can go through great lengths for a moment of contact with the image, we can also persevere in the daily work of choosing honesty over falsehood, service over self-interest, and compassion over indifference."
Baka Bet Mo: Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026
Inaanyayahan rin ni Marcos ang publiko na hayaan ang kanilang debosyon na gabayan ang paraan ng "pag-iisip, pagkilos, at pagtulong sa isa't isa."
Samantala, base sa mensahe ni VP Sara, ang debosyon sa Poong Nazareno ay nagpapaalala sa bawat isa "nang walang kapantay na pag-ibig, sakripisyo, at pagpapakumbaba ni Hesus para sa sangkatauhan."
Nawa ay magsilbing inspirasyon ang Nazarenon para patuloy na isabuhay ang pag-ibig sa Diyos.
Nagsimula ang Traslacion eksaktong 3:58 ngayong Biyernes, January 9 nang umalis ang Andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
The post Bongbong Marcos, Sara Duterte nakiisa sa Pista ng Poong Nazareno appeared first on Bandera.

No comments: