BREAKING NEWS

NDRRMC tuloy ang search and rescue ops sa Cebu landfill landslide

NDRRMC tuloy ang Search and rescue ops sa Cebu landfill landslide

TULOY-TULOY ang search and rescue operations sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa inilabas na situational report ng NDRRMC kaninang umaga, nabanggit na may indikasyon na may mga indibidwal na natabunan ng gumuhong tone-toneladang basura.

Baka Bet Mo: NDRRMC nagbabala sa kumakalat na ayuda text scam

Naganap ang pagguho alas-4:17 ng hapon kahapon, araw ng Huwebes.

Kinumpirma na ng mga awtoridad na may isang namatay, 12 na katao ang nasugatan at may 38 pa ang nawawala.

Kabilang sa mga naghahanap sa mga posibleng natabunan ay ang mga tauhan ng  City Disaster Risk Reduction and Management Council, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

The post NDRRMC tuloy ang search and rescue ops sa Cebu landfill landslide appeared first on Bandera.


NDRRMC tuloy ang search and rescue ops sa Cebu landfill landslide NDRRMC tuloy ang search and rescue ops sa Cebu landfill landslide Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close