BREAKING NEWS

Andas rope naputol sa Quezon Boulevard sa gitna ng Traslacion 2026

Nazareno 2026: Andas rope naputol habang nasa Quezon Boulevard
Photo by: Marianne Bermudez

NAPUTOL ang lubid na nakakabit sa carriage habang  binabaybay ng andas na may sakay ng imahe ni Poong Hesus Nazareno ang Quezon Boulevard nitong Biyernes ng hapon sa gitna ng Traslacion.

Ayon sa Command Post ng Quiapo Church, agad na pinalitan ang naputol na lubid ng isang 30-metrong reserbang lubid na inihanda bago pa man magsimula ang prusisyon.

Ilang deboto ang nakitang nagmamadaling lumusot sa gitna ng karamihan habang hawak ang naputol na bahagi ng lubid, na kalauna'y dinala sa Quiapo Church.

Samantala, nagpatuloy ang pag-usad ng andas sa Arlegui Street bandang alas-3:20 ng hapon, halos 12 oras matapos magsimula ang prusisyon alas-3:58 ng madaling araw mula sa Quirino Grandstand.

Baka Bet Mo: Photojournalist patay habang nasa coverage ng Traslacion 2026

Mayroon pang 16 na kalsadang daraanan ang imahe ng Poong Hesus Nazareno bago ito tuluyang makarating sa Quiapo Church.

Nauna nang ibinunyag ng Quiapo Church ang mga pagbabagong ginawa sa andas upang maiwasan ang pag-akyat ng mga deboto rito.

Kabilang sa mga pagbabagong ito ang pagpapaikli sa krus at ang paglalagay ng platapormang kayang maglaman lamang ng dalawang Hijos del Nazareno.

Gayunman, may ilan pa ring debotong nakitang nag-aakyatan sa isa't isa o kaya'y kumakapit sa maikling dulo ng krus upang mahawakan o mahalikan ang imaheng nakapaloob sa salamin.

The post Andas rope naputol sa Quezon Boulevard sa gitna ng Traslacion 2026 appeared first on Bandera.


Andas rope naputol sa Quezon Boulevard sa gitna ng Traslacion 2026 Andas rope naputol sa Quezon Boulevard sa gitna ng Traslacion 2026 Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close