BREAKING NEWS

‘Super flu’ hindi bagong health crisis – Bong Go

'Super flu' hindi bagong health crisis – Bong Go
Bong Go

PINAYUHAN ni Sen. Bong Go ang publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na impormasyon ukol sa "super flu" upang hindi lumikha ng pangamba.

Sinabi ni Go na ipinaliwanag na ng mga eksperto sa kalusugan na ang "super flu" ay hindi dulot ng bago o maraming organismo kundi dulot ng isang "influenza strain" na mas mabilis lamang kumalat kumpara sa ordinaryong trangkaso.

"Hindi ibig sabihin na bago ang tawag sa sakit ay mayroon ng health crisis. 

"Ang pinakamahalaga ay alam natin kung ano ang sinasabi ng ating mga eksperto at paano natin ito dapat unawain," bilin ng vice chairman ng Senate Health Committee.

Asahan na rin aniya na maraming kaso pa ng ubo, lagnat, sore throat at pananakit ng katawan ang maitatala dahil sa posibilidad na magtagal pa ng ilang buwan ang "flu season."

Kaugnay nito, ipinaalala ni Go ang RA 12290 na magiging daan sa pagpapatayo ng  Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP), kung saan magsasagawa ng mga pagsasaliksik sa viruses at organismo na nakakaapekto sa mga tao, hayop, halaman maging sa kapaligiran.

"Sa pamamagitan ng VIP, hindi lang tayo nagrereact sa mga sakit; pinag-aaralan natin ito nang malalim at may sistemang kakayahan na naka-tala bago pa man mag-anunsyo ng susunod na banta sa kalusugan," aniya.

The post 'Super flu' hindi bagong health crisis – Bong Go appeared first on Bandera.


‘Super flu’ hindi bagong health crisis – Bong Go ‘Super flu’ hindi bagong health crisis – Bong Go Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close