BREAKING NEWS

Karla Estrada hindi nagsalita sa Daniel-Kathryn breakup: Respeto na lang

Karla Estrada hindi nagsalita sa Daniel-Kathryn breakup: Respeto na lang
Karla Estrada, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

SI KARLA Estrada ang unang sinabihan ng kanyang anak na si Daniel Padilla na naghiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.

Ito ang inihayag ng actress-TV host nang mapag-usapan nila ni Melai Cantiveros ang tungkol sa controversial breakup nina Daniel at Kathryn noong 2023.

Sa programa ni Melai na "Kuan On Juan," naikuwento ni Karla kung paano hinarap at tinanggap ng kanilang pamilya ang desisyon ng KathNiel na tapusin na ang mahigit isang dekada nilang relasyon.

"Pagpapakumbaba and pagtanggap, acceptance. That's why I think they handled it well," ang pahayag ni Karla.

Siya nga raw ang unang sinabihan ni DJ tungkol sa breakup at ikinuwento kung ano talaga ang nangyari sa kanilang relasyon.

"He called me and told me what happened. I'm the first person he told about it. I said these things really happen. 

"Tayo lalabas tayo na with humility, acceptance and, of course, kailangan natin ng silence," sey pa ni Karla.

Bilang pamilya, nag-usap-usap sila na huwag nang magsasalita hinggil sa hiwalayan para hindi na humaba pa ang issue dahil ang dami-dami na raw taong nakikiaalam.

"It's also to show respect to Kathryn and her family. So we don't talk about it. At the end of the day it's about him and Kathryn," saad ng aktres.

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kath na totoong hiwalay na sila noong November, 2023. In fairness, buong Pilipinas ang nanghinayang para sa kanilang 11-year relationship.

The post Karla Estrada hindi nagsalita sa Daniel-Kathryn breakup: Respeto na lang appeared first on Bandera.


Karla Estrada hindi nagsalita sa Daniel-Kathryn breakup: Respeto na lang Karla Estrada hindi nagsalita sa Daniel-Kathryn breakup: Respeto na lang Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close