BREAKING NEWS

LPA ganap nang bagyong Ada, unang bagyo ng 2026

Patay sa Cebu landfill landslie umabot na sa 8; Imee humirit ng imbestigasyon

GANAP nang bagyo ang binabantayang low pressure area sa Mindanao na pinangalanang Bagyong Ada.

Ito ay inanunsyo ng Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, January 14.

Ayon sa PAGASA, ang "Ada" ay isang Filipino term na ang ibig sabihin ay "diwata."

Ito rin ang unang beses na gagamitin ng ahensya ang naturang ngalan.

Baka Bet Mo: PAGASA: LPA asahang papasok sa bansa, pero hindi magdadala ng ulan

Huling namataan. ang bagyo 650 kilometers East of Hinatuan, Surigao del Sur. May taglay itong lakas ng hangin na 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 55 kph. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.

Inaasahang lumakas bilang tropical storm si Ada sa loob ng 24 na oras.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa bahagi ng Samar Island o sa Catanduanes pagsapit ng Biyernes hanggang Sabado.

Samantala, nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Northern SamarSamarEastern SamarDinagat IslandsSurigao del NorteSurigao del Sur

The post LPA ganap nang bagyong Ada, unang bagyo ng 2026 appeared first on Bandera.


LPA ganap nang bagyong Ada, unang bagyo ng 2026 LPA ganap nang bagyong Ada, unang bagyo ng 2026 Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close