BREAKING NEWS

‘SRR: Evil Origins’ tumabo na ng higit P100-M, hataw pa rin sa 100 sinehan

'SRR: Evil Origins' tumabo na ng higit P100-M, hataw pa rin sa 100 sinehan

NA-BREAK na ng "Shake, Rattle & Roll: Evil Origins" ang P100 million mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025. 

Nagtala na ito ng P110 million sa talkilya simula nang magbukas sa mga sinehan noong December 25. Ito ang 2nd topgrosser sa 8 pelikulang kalahok sa MMFF. 

Ang "Shake, Rattle & Roll: Evil Origins" ay ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. para sa taong ito.

Consistent ang "SRR: Evil Origins" sa posisyon nito sa box-office simula noong opening ng festival. Isa na ito sa biggest moneymaker sa hanay ng Pinoy horror movies na ipinalabas ng mga nagdaang taon. Ito na rin ang may hawak ng record bilang biggest hit sa lahat ng "Shake, Rattle & Roll" franchise.

Todo ang pasasalamat ng pamunuan ng Regal Entertainment at ng buong produksyon sa lahat ng tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa pelikula – mga fans, pamilya, at kaibigan ng cast na hindi nagkait ng suporta. 

At siyempre, sa pamilyang Pilipino na naging malaking bahagi ng tagumpay ng "SRR" sa MMFF 2025. 

Naging word-of-mouth din ang production excellence ng pelikula, lalo na ang mahusay na pagganap ng buong cast at ang matinong direksyon at script.

Maihanay na ang "Shake, Rattle & Roll: Evil Origins" sa listahan ng mga de-kalibreng horror movies sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Pangako ng Regal Entertainment, patuloy silang gagawa ng mga de kalibreng obra para sa mga Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga proyekto.

The post 'SRR: Evil Origins' tumabo na ng higit P100-M, hataw pa rin sa 100 sinehan appeared first on Bandera.


‘SRR: Evil Origins’ tumabo na ng higit P100-M, hataw pa rin sa 100 sinehan ‘SRR: Evil Origins’ tumabo na ng higit P100-M, hataw pa rin sa 100 sinehan Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close