BREAKING NEWS

Dennis Trillo kay Jennylyn: Isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko

Dennis Trillo kay Jennylyn: Isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

VIRAL ang post ni Dennis Trillo sa kanyang Facebook account kung saan ipinagtanggol niya ang asawang si Jennylyn Mercado sa paratang na hindi nito kasundo ang kanyang pamilya.

Ipinost ni Dennis ang larawan nila ni Jennylyn habang nasa swimming pool at hawak nito ang magkabilang pisngi ng asawa na akmang hahalikan.

Ang caption ng aktor, "Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.

"Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay…wag naman sana sila bigyan ng isyu.

"Mahal na mahal ko po silang lahat at maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules.

"2026 na po, mag-focus na lang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.

"Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw-araw," ang post ni Dennis.

Ang nagbalita ng tungkol sa isyu umano ni Jennylyn at ng parents ni Dennis ay ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz sa "Showbiz Update"YouTube channel nila ni Mama Loi kasama sina Tita Jegs, Tamerlane Mopa at Oliver Carnay.

Binasa ni Ogie ang detalyadong mensahe sa kanya ng kanyang source na bukod sa hindi okay ang aktres sa in-laws niya ay hindi rin daw niya pinapupunta si Dennis sa pamilya nito para dumalaw.

Bukod kay Dennis ay naunang ipinagtanggol si Jennylyn ng manager niyang sina Tita Becky Aguila at Katrina Aguila at nabanggit din ng huli na ang kapatid ng aktor ay inirekomenda si Jennylyn para kuning endorser ng isang produkto bago mag-Pasko nitong 2025.

Anyway, maganda rin sana kung magbigay din ng panig niya ang kapatid ni Dennis tungkol dito para mas lalong malinawan ang isyu dahil sila naman ang binanggit na hindi sila kasundo ni Jennylyn.

Nananatiling bukas ang BANDERA sa panig ng mga kapatid ni Dennis Trillo.

The post Dennis Trillo kay Jennylyn: Isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko appeared first on Bandera.


Dennis Trillo kay Jennylyn: Isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko Dennis Trillo kay Jennylyn: Isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close