Rabin Angeles kay Angela Muji: Hinahanap ko na siya ‘pag hindi kami magkasama

AMINADO ang magka-loveteam na sina Rabin Angeles at Angela Muji na inaatake na sila ng matinding kaba at pressure sa nalalapit na pagpapalabas ng launching movie nilang "A Werewolf Boy."
Showing na sa January 14 ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na "A Werewolf Boy" at todo na ang pagpo-promote ng tambalang RabGel para ibandera ang ipinagmamalaki nilang proyekto.
Humarap muli sa members ng entertainment media sina Rabin at Angela para sa presscon ng kanilang debut film last January 7 sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.
Sey ni Angela, "Hindi po namin made-deny na may pressure po talaga kasi unang movie nga po na inaasahan, and unang movie po rin na pinagbibidahan namin.
"Ito po yung magiging career-defining moment namin kaya sobrang pressured po kami.
"Para po hindi kami ma-pressure, iniisip na lang po namin, whatever happens, it's God's will. Happy and grateful po kami na the second trailer also received a lot of good feedback.
"As far as I know, yung first trailer natin has already gained 28 million across all social media platforms.
"Sobrang nakakataba po ng puso kaya grateful po kami sa mga walang sumusuporta sa amin," pahayag pa ni Angela.
Sey naman ni Rabin, hindi na nga raw siya nakakatulog these past few days, "Hindi naman po mawawala yung pressure. Talagang kinakabahan po kami kasi pinakaunang pelikula namin ni Angela.
"Tapos napakalaking pelikula pa po nito na ipinagkatiwala ng Viva sa amin kaya ibinigay namin ang best. Pero hindi po namin kayang alisin talaga ang pressure," ani Rabin.
Samantala, diretsahan ding inamin ng magka-loveteam na super na-miss nila ang isa't isa dahil hindi sila nagkasama nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.
They spent the holiday season with their respective families at muli lamang silang nagkita noong January 4 para sa mall show nila sa SM Pampanga para sa promo ng "A Werewolf Boy."
Pag-amin ni Rabin, "Na-miss ko si Angela. Ang tagal naming hindi nagkita, nag-Christmas break. Umuwi po ako sa Pampanga.
"Parang hinahanap ko na siya kapag hindi kami magkasama. Nung nagkita kami sa mall show, nasa van kami, sabi ko, 'Ang tagal kitang hindi nakita.' Parang nakatingin lang po ako sa kanya," nakangiting sey pa ng binata.
Sabi naman ni Angela, "Nakaka-miss po si Rabin. Ang tagal po naming hindi nagkita although nag-uusap naman kami sa phone.
"Iba pa rin po kasi kapag magkasama kayo. Nasanay na po akong kasama siya halos araw-araw kaya kapag hindi ko po siya kasama, parang ang lungkot.
"Sobra naming na-miss ang presence ng isa't-isa kasi nasanay na po kami na magkasama.
"Di ba, sabi po ni Rabin, sa akin niya nakukuha ang lakas ng loob niya? Pero sa totoo lang po, sa kanya rin po ako kumukuha ng lakas ng loob.
"So, nung nag-meet po kami, it felt like three weeks. Parang ang tagal. When I hugged Rabin, I felt comfort. I felt safe," aniya.
Samantala, tuwang-tuwa ang RabGel dahil sa magagandang feedback na natatanggap nila matapos mapanood ang dalawang version ng official trailer ng "A Werewolf Boy" na pinagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki sa original version.
Ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang mga tagasuporta sa nalalapit na showing ng kanilang launching movie na idinirek ni Crisanto Aquino.
Kasama run sa movie sina Lorna Tolentino, Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Jeffrey Hidalgo, at Albie Casino,
Mapapanood na ang "A Werewolf Boy" sa mga sinehan nationwide simula sa January 14.
The post Rabin Angeles kay Angela Muji: Hinahanap ko na siya 'pag hindi kami magkasama appeared first on Bandera.

No comments: