Nikko Natividad looking ng bagong yaya para sa anak: ‘Yung maganda, sexy!

ALIW ang naging hirit ng actor-content creator na si Nikko Natividad sa requirement na hinihingi niya sa bagong yaya ng kanyang anak na nagkasakit.
Nitong Biyernes, January 9, ibinahagi niya ang anunsyong naghahanap ng caregiver para sa anak na nag-seizure kamakailan habang sila ay kumakain sa isang restaurant sa Japan.
"Looking for yaya 18-24yrs old sexy maganda. 5'6 to 5'9 height. Vital stats 36-24-36 higit sa lahat malambing," banat ni Nikko.
Sa hiwalay na post ay muling bumanat ang aktor dahil sa dami umano ng nag-a-apply sa kanya.
Baka Bet Mo: Nikko Natividad naging tagalinis ng jeep, salon assistant, wedding coordinator
"Nakakatuwa ang daming nag aaply na yaya. Wag na kayo mag send resume. Pa send nalang ng selfie at whole body. Kung may hikaw sa dila at pusod pa send din ng picture. Mas prefer ko sana may tattoo sa balakang," sabi ni Nikko.
Dagdag pa niya, "Sorry ayaw po ng anak ko yung may tattoo na pusong may arrow Saka alambre sa braso. Gusto nya yung pa cute lang."
Aliw naman ang mga naging reaksyon ng netizens sa paghahanap ni Nikko ng yaya.
"Magkano sweldo and location? Free food and lodging? Speak 7 languages baka need mo charoot," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Yung anak po o yung tatay may gusto."
"Yaya ng baby nyo po ? O yaya mo nikko??" banat naman ng isa.
The post Nikko Natividad looking ng bagong yaya para sa anak: 'Yung maganda, sexy! appeared first on Bandera.

No comments: