BREAKING NEWS

Jopay Paguia ‘pipityuging babae’ raw, basher nasayangan kay Joshua 

Jopay Paguia 'pipityuging babae' raw, basher nasayangan kay Joshua 
Jopay Paguia at Joshua Zamora

SUPER appreciated ni Sexbomb Jopay Paguia ang ginawang pagtatanggol sa kanya ng asawang si Joshua Zamora sa isang judgmental na basher sa social media.

Nag-explain ang actress-dancer kung bakit nagdesisyon si Joshua na basagin ang naturang netizen matapos nga siyang pagsalitaan ng masasakit na paratang.

Tinawag kasi ng basher si Jopay ng "pipityuging babae" at sinabihan pa si Joshua na sa "dancer lang nabagsak".

Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" kay Jopay, sinabi niyang hindi raw talaga mapagpatol ang kanyang mister sa mga haters at trolls sa social media pero feeling ni Joshua sumobra na ang basher.

"Si Joshua po kasi, hindi talaga siya pumapatol ever talaga sa mga ganyan, kasi parang mababaw, ganyan.

"Pero sabi kasi sa akin ni Josh na kaya daw niya sinagot yun, nakita niya kasi yung hardwork ko, yung pagiging nanay ko sa lahat ng aspeto, sa bahay.

"Parang hindi ko daw po deserve na sabihan ng ganu'n," ang pahayag ni Sexbomb Jopay.

Matatandaang noong nakaraang buwan, binengga nga ni Joshua ang isang basher na nagsabing sayang daw siya dahil napunta lang sa isang "pipityuging babae."

"Sayang talaga si Joshua napunta lang sa pipityuging babae. Ang daming babaeng politicians at doctors na may gusto sa knya. Pero sa isang dancer lang nabagsak. Naghihirap tuloy," ang buong komento ng netizen.

Sinagot siya ni Joshua ng, "Salamat sa opinyon mo, pero hindi ko sinusukat ang halaga ng isang tao base sa trabaho, titulo, o kung gaano siya 'kagalang-galang' sa paningin ng mundo.

"Ang tunay na halaga ng tao ay nakikita ng Diyos, hindi ng tao. Sabi nga sa 1 Samuel 16:7, 'People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.'

"Hindi ako napunta sa 'mali.' Pinili ko ang taong tapat, nagmamahal, at kasama kong lumalaban sa buhay.

"At kung titingnan natin ang Bible, malinaw na ang tunay na pagpapala ay hindi nakadepende sa kayamanan o posisyon.

"Eto basa sa Proverbs 19:14, 'A prudent wife is from the Lord.'

"Kaya imbes na manghusga sa itsura o trabaho, mas pipiliin ko pa rin yung taong ibinigay ng Diyos at kasama kong nagtatayo ng tahanan at pananampalataya.

"Sabi nga sa Ecclesiastes 4:9, 'Two are better than one, because they have a good return for their labor.'

"Respeto lang po. Hindi natin kailangang ibagsak ang ibang tao para suportahan ang opinyon. Pinipili ko ang pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat sa biyaya ng Diyos."

The post Jopay Paguia 'pipityuging babae' raw, basher nasayangan kay Joshua  appeared first on Bandera.


Jopay Paguia ‘pipityuging babae’ raw, basher nasayangan kay Joshua  Jopay Paguia ‘pipityuging babae’ raw, basher nasayangan kay Joshua  Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close