Solenn kontra sa gadgets: ‘Hintayin munang mag-18 ng mga anak ko!’

HINDI nagpapatinag si Solenn Heussaff pagdating sa pagpapalaki ng kanyang mga anak, lalo na kapag usapang gadgets.
Sa kabila ng makabagong panahon kung saan halos lahat ay naka-screen, malinaw ang paninindigan ng aktres at celebrity mom na walang gadgets ang kanyang mga anak hanggang maging ganap na adult na sila.
Sa kanyang guest appearance sa programang "Fast Talk with Boy Abunda," naging bukas si Solenn tungkol sa labis na pagkadepende ng lipunan sa teknolohiya.
Ayon sa kanya, ang kanyang mga anak na sina Maelys (edad 3) at Tili (edad 6), na anak nila ng mister na si Nico Bolzico, ay hindi pinapayagang gumamit ng kahit anong gadgets.
Baka Bet Mo: Solenn Heussaff nakikipag-usap sa mga kaluluwang-ligaw, biglang hinila sa beach
"She doesn't know Instagram [Tili], she doesn't have an iPad, she's six na, hindi ako nag-ga-gadgets sa kanila. Wala never," sey ni Solenn.
Patuloy niya, "Their first phone, maybe at 18, 19. Kung may pager, baka pager pwede muna. Pero iPad, I don't want."
Para sa aktres, masakit sa puso tuwing nakakakita siya ng mga pamilyang magkakasamang kumakain pero kanya-kanya namang tutok sa gadgets.
"Honestly, every time I see all the families having dinner together but not together. 'Yung dad nasa phone. 'Yung mom, nasa phone. 'Yung isang baby, nasa iPad. 'Yung mas maliit, nanonood ng parang TV. This is what we've become. It's really sad to look at," saad niya.
Dagdag pa ni Solenn, sinasamantala raw ng malalaking kumpanya ang pagiging dependent ng mga tao sa teknolohiya, lalo na sa paghahanap ng instant happiness o aliw.
"We just want that short-term dopamine, and it's really horrible that these multi-million dollar companies, that's what they're selling," sambit ng celebrity mom.
"They 're trying to make us overstimulated, and if we don't get stimulated then we get bored. And when we get bored, we wanna do something else. And there's no attention span in people nowadays," paliwanag pa niya.
Sa kabila ng mahigpit na no-gadget rule, nilinaw ni Solenn na isa siyang "chill mom" na sumusunod sa gentle parenting, pero hindi ibig sabihin ay walang disiplina.
"I tried gentle parenting. Yung parang, 'I understand that you're feeling frustrated and blah blah blah.' But they get their own way. They manipulate us completely. If they don't respect you as a parent, then they will step all over you. These are their formative years, so you really need to set discipline," saad ng aktres.
Gayunpaman, mariin ding sinabi ni Solenn na wala at hinding-hindi magkakaroon ng puwang ang karahasan sa kanilang tahanan.
Hindi niya sinasaktan ang kanyang mga anak at wala rin siyang balak gawin ito in the future.
Matatandaang ikinasal sina Solenn at Nico sa isang civil ceremony sa Argentina noong 2015, na sinundan ng church wedding sa Combourg, France makalipas ang isang taon.
Ang kanilang panganay ay isinilang noong 2020, habang ang kanilang ikalawang anak na babae ay makalipas ang dalawang taon.
The post Solenn kontra sa gadgets: 'Hintayin munang mag-18 ng mga anak ko!' appeared first on Bandera.

No comments: