3 BI officials sinibak dahil binigyan ng ‘special treatment’ ang Russian vlogger

KAHIT napalayas na ng bansa, mukhang hindi pa natapos ang isyu sa controversial Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang na-relieved matapos makapag-video si Vitaly, habang nasa kustodiya ng ahensya.
Ito ang lalo pang nagpatindi sa alegasyon na siya ay nakatanggap ng special treatment habang nakakulong.
"So because of that, three immigration officials were dismissed and several cell phones were confiscated," sey ni Castro sa isang press briefing, na iniulat ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: Vitaly Zdorovetskiy balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan
Dagdag pa niya, patuloy ang imbestigasyon at posibleng mas marami pang opisyal ang tatanggalin kung mapatutunayang pinabayaan nila ang kanilang tungkulin.
Si Vitaly ay inaresto noong Abril ng nakaraang taon dahil sa disruptive behavior, kabilang ang panghaharang sa isang security guard at pagsakay sa tricycle na nauwi sa banggaan sa isang jeepney.
Idineklarang undesirable alien at na-deport siya nitong January 17 lamang.
Samantala, isa pang Russian vlogger ang inaresto sa Quezon City matapos magbanta na sadyang ikakalat ang HIV sa bansa.
Kinilala ng BI ang suspek bilang si Nikita Chekhov, 21-anyos, na sa isang viral video sa Bonifacio High Street, Taguig City, ay sinabi niya na ikakalat niya ang HIV sa pananatili niya rito sa Pilipinas.
Ayon sa BI, ang mga videos na pinaniniwalaang ginawa bilang 'rage-bait' content' ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente at netizens.
Si Chekhov ay taga-Taganrog, Rostov Oblast, Russia, at dumating sa bansa noong January 15 mula Shanghai, China.
Pinabulaanan ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga "so-called rage-bait videos," at iginiit na ang mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas "to spread alarm, disrespect our people or abuse our hospitality are not welcome and will face deportation."
Simula nang arestuhin, si Chekhov ay nasa BI detention facility habang hinihintay ang deportation proceedings at nakumpirma na negatibo ito sa HIV.
The post 3 BI officials sinibak dahil binigyan ng 'special treatment' ang Russian vlogger appeared first on Bandera.

No comments: