BREAKING NEWS

Sir Jack kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang

Sir Jack kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang

BINANATAN ng content creator na si Sor Jack Argota ang Kapuso comedienne na si Tuesday Vargas matapos itong maglabas ng saloobin na hindi miyembro ng New People's Army (NPA) ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Sa kanyang Facebook page ay ibinandera niya ang screenshot ng naturang post ni Tuesday kung saan pinasaringan niya ang lalaki na nagparatang sa mga taga-UP ngunit hindi na niya ito tinag dahil isa raw itong person with disability o PWD.

"Ako ba 'to? Kung ayaw moko i-tag edi ako nalang magta-tag sayo Tuesday Vargas. Una sa lahat hindi ko nilalahat, but you have to admit na meron. Okay?" saad ni Sir Jack.

Sa mga sumunod niyang pahayag ay patuloy niyang binanatan ang mga estudyante na umano'y miyembro ng naturang organisasyon. 

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas tinalakan nagsabing 'NPA' mga taga-UP

Lahad ni Sir Jack, "Panahon na siguro na ang AFP CMO ay mamasyal sa mga universities whose students are prone to ṄPÅ recuitment to conduct info drive.

"Magdala sila ng mga students na narecruit before na nagsi surrender sa government as resource speakers, kawawa ang mga narerecruit na dindala sa bundok na nakaranas ng panlilinlang at minsan ay nauuwi pa sa kamatayan."

Ani Sir Jack, saludo siya sa talino ng mga taga-UP ngunit hindi sa ilan na nagpapauto umano.

"Saludo po ako sa talino ng mga UP Students, walang duda dun. Pero sa mga thangang estudyante na nagpaniwala at nagpa uto na sumama sa bundok at lumalaban sa gobyerno at kung minsan pa nga ay gumagawa ng dahas sa mga sibilyan e napaka demoño nila," sey ng content creator.

Samantala, bumanat ri si Sir Jack kay Tuesday at pinayuhan itong pasukin ang mundo ng vlogging.

"Ate Tuesday Vargas pag laos na, mag vlogger nalang. Tulad ng ginagawa ng ibang artista," pasaring ng content creator.

Sumagot nama si Tuesday at sinabing hindi siya bababa sa level ni Sir Jack.

"Your whole following is based on rage bait. Hindi ako bababa sa level mo. Mapagod ka kaka sabi ng laos. Tutal yan ang huli nyong baraha, ang mamahiya," rebat ni Tuesday.

The post Sir Jack kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang appeared first on Bandera.


Sir Jack kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang Sir Jack kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close