BREAKING NEWS

Jennylyn Mercado walang problema sa in-laws, sey ng manager: ‘Okay naman po sila’

Jennylyn Mercado walang problema sa in-laws, sey ng manager: 'Okay naman po sila'

-VIRAL ang ibinalita ng content creator na si Ogie Diaz na pinagbabawalan ni Jennylyn Mercado ang asawang si Dennis Padilla na dumalaw sa pamilya niya at ayaw ding makita ng singer/actress ang mga kapatid ng aktor.

Ito ang main story ni Ogie kasama sina Mama Loi, Tamerlane Mopa, Dyosa Pockoh at Oliver Carnay sa YouTube channel nilang Showbiz Update nitong Huwebes ng gabi.

Kinabukasan, Biyernes ay kaagad naming nagpadala ng mensahe sa manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila pero hindi kami sumagot kaya nagpadala kami sa anak niyang si Katrina Aguila ng mensahe at nabanggit pa naming, 'Kat, may I call?'

Bandang alas dos ng ng hapon na tumawag sa amin si Katrina tungkol dito at binanggit na kakagising lang niya dahil masama ang pakiramdam at halata naman sa boses din niya. Ang mama Becky niya ay tulog pa.

Baka Bet Mo: Jennylyn hindi raw bet ang in-laws, pinipigilang dalawin ni Dennis, true ba?

Anyway, itinanggi ni Katrina ang akusasyon kay Jennylyn at okay daw siya sa mga kapatid na babae ni Dennis bilang nag-iisang anak na lalaki pala ito.

"Wala naman po (issue), actually 'yung sister ni Dennis nine-nego si Jen for an endorsement na-push na 'yung endorsement, okay naman po sila," kaswal na sagot ni Katrina.

At dahil iba ang boses ni Katrina as in ngongo ay hindi na namin siyang kinulit pa at na lang kami sa sagot ng mama niya.

Kaninang umaga ay nag-post sa Facebook account si 'ta Becky at mariin niyang itinanggi ito.

"Not true… Jen is the most genuine, sweetest, nicest, most loving, kindest, respectful and generous alaga I have.

"I've personally seen and witnessed how she takes care of everyone.

"It's 2026. Spread love and joy! 'Wag ganyan. Dennis's family is very private. 'Wag sila idamay."

Samantala, nag message kami kay Ogie na itinanggi ng manager ni Jennylyn ang isyu sa kanyang FB account pero hindi pa nito nasi-seen hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Doon sa nagpadala ng mensahe kay Ogie na natatanong kung okay si Jen sa in-laws niya ay okay daw sila mula sa namamahala ng career ng aktres.

The post Jennylyn Mercado walang problema sa in-laws, sey ng manager: 'Okay naman po sila' appeared first on Bandera.


Jennylyn Mercado walang problema sa in-laws, sey ng manager: ‘Okay naman po sila’ Jennylyn Mercado walang problema sa in-laws, sey ng manager: ‘Okay naman po sila’ Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close