Anak ni Anjo Yllana nag-sorry sa mga banat ng ama laban sa EB Dabarkads

HUMINGI ng paumanhin ang anak ni Anjo Yllana na si Jaime Yllana sa mga naging pasabog at rebelasyon ng kanyang ama laban sa mga host ng "Eat Bulaga".
Humarap si Jaime sa mediacon at cast reveal ng latest Viva One series na "My Husband Is A Mafia Boss" nitong nagdaang Huwebes, January 8, na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.
Dito nga naitanong kay Jaime ang tungkol sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ni Anjo, kabilang na nga ang pambebengga niya sa mga Dabarkads na sina Sen. Tito Sotto Jose Manalo, Allan K at Ruby Rodriguez.
"Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he's my dad Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga yung pinagdadaanan niya.
Baka Bet Mo: Anjo Yllana binanatan si Jose Manalo, naging dyowa si Mergene: Ahas!
"Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na ganoon talaga," aniya pa.
Ngunit sey ng baguhang aktor, ama pa rin niya si Anjo, "Wala, tatay ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan kong intindihin na ganoon siya. Bigyan siya ng advice, kasi siyempre mga kaibigan din niya yung pinag-uusapan niya kaya medyo nakontrol niya.
"Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matuto na pagbigyan siya. Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn't be here without him," ang punto pa ng aktor.
"Honestly, parang magkapatid kami," sambit ni Jaime. Ganoon yung relationship namin. Para kaming mag-bestfriend. Sinasabi ko lang sa kanya na, 'Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.'
"Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private. Hindi naman lahat kailangan sabihin sa media na, 'Oy ganito ako, ganyan ako,'" paliwanag pa niya.
Matatandaang nabanggit ni Anjo sa isa niyang Facebook video na na may kabit umano si Senate President Tito Sotto noon pang 2013.
Ngunit dinedma lang siya ni Tito Sen at hindi na pinatulan, "Huwag n'yong pansinin at nagpapapansin 'yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press."
Tinawag din niyang ahas ang isa pa niyang kasamahan dati sa "Eat Bulaga" na si Jose Manalo dahil inagaw daw nito sa kanya si Mergene Maranan.
The post Anak ni Anjo Yllana nag-sorry sa mga banat ng ama laban sa EB Dabarkads appeared first on Bandera.

No comments: