BREAKING NEWS

Darryl Yap tinubos nakasanglang alahas ng isang follower: Alam ko ang pakiramdam

Darryl Yap tinubos nakasanglang alahas ng isang follower: Alam ko ang pakiramdam

IBINANDERA ng controversial director na si Darryl Yap ang ginawa niyang pagtulong sa isang follower na kasalukuyang may pinagdaraanan sa buhay.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya na ang kanyang birthday gift sa sarili ay ang makapagbigay tulong sa ibang taong nangangailangan.

"Tinubos ko yung ₱72,000 na sangla ng isang kong follower. Birthday Gift ko sa sarili ko ngayong 2026," saad ni Darryl.

Pero paglilinaw niya, hindi ito para magmayabang o para kumuha ng atensyon at papuri kundi puro ang intensyon niyang tumulong sa kapwa.

Baka Bet Mo: Darryl Yap naging 'dishonest' sa Honesty Store sa Batanes, kasalanan itinama

"Hindi ito kayabangan. Hindi rin pagpapamukha ng tulong o paghahanap ng atensyon at papuri. ALAM KO ANG PAKIRAMDAM NG UMAASA SA SANGLAAN," sey ni Darryl.

Pagpapatuloy niya, "HINDI SAPAT NA MAKABAWI KA SA MGA TUMULONG SA IYO, KAILANGAN MONG TUMULONG PARA HINDI MAPUTOL ANG KABUTIHAN. Pay it forward."

Ikinuwento naman ni Direk Darryl ang naging effect sa kanya sa honesty store na pinuntahan nila noon nang nag-stay sila sa Batanes.

"Tinulungan ko si Cel dahil alam ko ang pakiramdam ng may sangla- ng may bigat sa dibdib.at alam ko rin ang pakiramdam ng biglang may solusyon sa lahat—MAY SWERTE, MAY TUGON AGAD ANG DIYOS," sey pa niya.

Matatandaang naisulat na namin dito sa BANDERA ang pagbawi ni Darryl Yap sa maling nagawa sa isang honesty store sa Batanes noong 2018 at makalipas nga ang walong taon ay bumalik ito para itama ang pagkakamali.

The post Darryl Yap tinubos nakasanglang alahas ng isang follower: Alam ko ang pakiramdam appeared first on Bandera.


Darryl Yap tinubos nakasanglang alahas ng isang follower: Alam ko ang pakiramdam Darryl Yap tinubos nakasanglang alahas ng isang follower: Alam ko ang pakiramdam Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close