Rabin Angeles panalo ang aktingan sa ‘A Werewolf Boy’, Angela Muji hindi nagpahuli

NAGANDAHAN kami sa pelikulang "A Werewolf Boy", ang Pinoy adaptation ng Korean movie na kapareho rin ang titulo na ipinalabas noong 2012 at si Song Joong-ki ang bida na ngayon ay pinagbibidahan nina Rabin Angeles at Angela Muji.
Ang 2012 South Korean fantasy romance movie ay halos kapareho ng pelikulang produced ng Viva Films/Viva Studio at CJ ENM na idinirek ni Crisanto Aquino na mapapanood na sa Enero 14 at base sa staff ng Viva na nakausap namin sa ginanap na screening kagabi sa Gateway Cinema 18 ay P275 na lang.
Sa madaling salita ay nagkaroon ng pag-uusap ang producers ng pelikula nina Rabin at Angela pati na rin ng theater owners na magbaba sila ng presyo.
Una naming napanood ang trailer ng "A Werewolf Boy" sa sinehan kung saan kami nanood ng isa sa pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival noong Disyembre.
Baka Bet Mo: Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa 'A Werewolf Boy'
Ang galing kasi nu'ng bidang lalaki hindi nagsasalita pero ang lakas ng presence sa screen bukod pa sa ang ganda ng texture ng pelikula, glossy kaya tanong namin sa kasama namin, 'sino 'yan?' At sabi bagong artist ng Viva.
Tapos 'yung leading lady, mahusay din, kaya naging interesado kami sa pelikula nandoon pa si Albie Casino na kontrabida, may Candy Pangilinan pa at nakita namin bago matapos ang trailer si Lorna Tolentino, na inisip namin na baka siya ang nanay ni Werewolf Boy.
Sakto may vloggers screening sa Gateway Cinema 18 kagabi at ang ganda ng puwesto namin dahil inilagay kami sa row 2 at center pa.
Gusto sana naming ikuwento ang "A Werewolf Boy" pero hindi naman kailangan na dahil nga Pinoy adaptation ito at halos lahat ay napanood na ang Korean movie ni Song Joong-ki.
Ang masasabi na lang namin, ang ganda ng version ni Rabin Angeles, ang husay niyang umarte, hindi siya kasing guwapo ni So Jong-ki pero ang lakas ng dating niya sa screen at pareho silang makinis ang balat. Inisip namin tuloy na baka anak-mayaman 'tong batang ito pero hindi naman dahil napanood namin ang mga interviews niya na ordinaryo ang buhay nila at tatlo silang magkakapatid na puro lalaki na binubuhay ng nanay niya na halos maiyak na sa hirap ng buhay nila.
Isa ang sigurado kaya maganda ang ngipin ni Rabin dahil nagta-trabaho sa dental clinic ang nanay niya at naging pasyente nito si Direk Jason Paul Laxamana na siyang nagdala sa batang aktor sa Viva dahil ipinakiusap ng in ana baka puwedeng mag-artista ang anak and the rest is history.
Okay na magka-loveteam sina Angela at Rabin dahil pareho silang charming sa screen at mukhang malakas nga sila dahil dami nilang fans. Ako personally, sana sila na lang, mala James Reid at Nadine Lustre ang beauty nila.
Maganda ang chemistry nina Rabin, Angela at direk Crisanto napalabas nito ang husay nang dalawang bida.
Basta ang galing ni Rabin at sana hindi siya magbago dahil marami pang darating na magagandang oportunidad sa kanya kasama si Angela.
Anyway, naghiwayan ang mga nanonood dahil nu'ng unang sigaw ni Rabin bilang hudyat na werewolf na siya ay biglang naputol, akala ng lahat ay nagloko ang projector, iyon pala sumilip ang dalawang bida na abut-abot ang pasasalamat nila sa mga nanood at halatang ninenerbyos ang baguhang aktor.
Aniya, "Sobrang thank you po sa inyong lahat, sobrang thank you po sa oras ninyo, sana ma-enjoy n'yo yung movie and..ikaw naman po (sabi kay Angela)."
"Sa totoo lang po itong movie na ito ang biggest blessing sa buhay namin, dito po malalaman kung saan patungo ang karera namin,m ang daming nakasalalay sa movie na ito.
"Para sa amin itong movie na ito ay make it or break it and we are super scared and at the sa time, we can't wait for you guys to watch the entire movie kasi everytime na nagso-shooting kami ay talagang ibinubuhos namin ang lahat ng meron kami kasi lahat po ng pinaghirapan namin for the past years led to this. Kaya maraming salamat po," say ni Angela.
Sabi ulit ni Rabin, "kinakabahan na po kami lalo't may mga nakita kaming taong nakaupo sa cinema ilang araw na po kaming hindi makatulog ni Angela kasi 5 days na lang iso-showing na."
Palakpakan ang lahat sa pagdating nina Rabin at Angela plus direk Crisanto na nasa itaas pala at nanonood din.
Balik ulit sa panonood, grabe ang tawa dahil sa hirit ni Candy, sa mga kakaibang kilos ni Boy na nakatuwa, nakakairita si Albie, at hayun may mga naririnig at nakita na kaming sumisinghot at nagpupuntas ng mata kasi nakakaiyak ang eksena.
Mahalaga ang karakter ni Lorna dahil siya ang nagbigay ng closure ng kuwento.
The post Rabin Angeles panalo ang aktingan sa 'A Werewolf Boy', Angela Muji hindi nagpahuli appeared first on Bandera.

No comments: