Bongbong Marcos binisita itatayong 60 classroom sa San Francisco HS

PERSONAL na bumisita si Pangulong Bongbong Marcos sa San Francisco High School sa Quezon City para suriin ang 60 classrooms na itatayo sa naturang paaralan.
Sa kanyang panayam sa media, sinabi niyang imbes na 1 classrooms lang ang itatayo ay ginawa na itong 60 classrooms mula sa inisyatiba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa tulong ng SM Foundation.
Lahad ni Marcos, "Nandito ngayon tayo sa Quezon City, San Francisco High School campus dahil kung maaalala ninyo, ito 'yong nasunog at kailangan nating baguhin.
"Ngunit ang itatayo natin na bagong school building dito, instead of 12 classrooms, magiging 36 classrooms. Napakiusapan natin ang SM na magtayo din ng 24 classrooms."
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos pumutok sa galit sa lumulubong 'kickbacks'
Ayon kay Pangulong Marcos muling magbubukas ang nasabing paaralan bago magsimula ang School Year 2026-2027 sa darating na Hunyo.
"Kaya ito na 'yong construction para sa mga bagong classroom na gagawin ng Public Works para sa DepEd Ang schedule nito, matatapos ito by the beginning of the next School Year—sa June puwede nang gamitin ito," sey ni Marcos.
Isinabay na rin nila ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Education (DepEd) para sa pagsulong ng YAKAP Program sa naturang komunidad.
"Kasama dito sa ating pinuntahan 'yong ating pag-coordinate between PhilHealth at saka DepEd para sa YAKAP Program. Kung makikita ninyo 'yong dinaanan natin, merong nagbibigay ng mga forms. Pati na 'yong mga magulang, nireregister na rin sa PhilHealth," lahad ni Pangulong Marcos.
Hinihikayat rin niya ang YAKAP program sa mga estudyante pero maging ang mga guro, magulang, mga nagtatrabaho sa komunidad ay kasali.
"We look forward to the completion of this by the beginning of the next School Year. Inatasan ko ang DPWH na agad simulan ang pagpapatayo ng mas ligtas, mas malaki at mas maayos na gusali ng San Francisco High School.
"Pinatitiyak ko rin ang pagsuri at pag-upgrade ng electrical systems sa lahat ng paaralan sa bansa para maiwasan ang ganitong insidente," pagtatapos ni Marcos.
The post Bongbong Marcos binisita itatayong 60 classroom sa San Francisco HS appeared first on Bandera.

No comments: