Bar passer na si Anna Mae Yu Lamentillo tinupad ang pangako sa ama

FIRST take lang, pumasa na agad sa 2025 Bar Examination si Anna Mae Yu Lamentillo, isang University of the Philippines Diliman graduate.
Para sa bagong abogado, ang nakamit na tagumpay ay nag-ugat sa pangakong binitiwan niya sa kanyang ama noong 2017.
Sa isang post sa social media matapos ilabas ang mga resulta, binalikan ni Lamentillo ang sandaling humubog sa kanyang paglalakbay: "Eight years ago, in 2017, my dad and I had our last conversation. Before he passed, I promised him I'd become a lawyer. I've carried that promise with me ever since—quietly, stubbornly, even on the days I wasn't sure I could finish what I started."
Inilarawan din sa post kung paanong nagpatuloy ang paghahanda kahit nasa ibang bansa siya.
Baka Bet Mo: Luke Jickain tagumpay sa bar exams, isa sa inspirasyon sa 'Bar Boys'
"I brought law books with me to Oxford and studied in between everything because I couldn't let that promise fade," saad niya.
Unang beses niyang kumuha ng bar exam ngayong taon at sinabi niyang malalim ang ugnay ng karanasan sa alaala ng kanyang ama.
"This was my first time taking the bar, and I walked into it thinking of him the whole way through," dagdag pa sa post.
Nang ilabas ang resulta, sinabi ni Lamentillo na ang matagal nang pangarap ay naging totoo na: "Today, more than 8 years later, I finally get to put Atty. before my name. Dad, I kept my word. You can finally rest in peace."
Nagtapos si Lamentillo ng kanyang undergraduate degree sa University of the Philippines Los Baños noong 2012 na may latin honors at tumanggap ng Faculty Medal for Academic Excellence dahil sa pagkakaroon ng pinakamataas na General Weighted Average sa hanay ng mga nagtapos ng Development Journalism sa kanilang batch.
Natapos niya ang Juris Doctor degree sa UP Diliman College of Law noong 2020.
Sa pagitan ng law school at ng trabaho niya sa Department of Public Works and Highways, natapos niya ang Executive Education in Economic Development sa Harvard Kennedy School noong 2018.
Noong July 2025, natapos niya ang MSc in Cities program na may honors sa London School of Economics.
Sa kasalukuyan, kumukuha siya ng Master of Science in Major Programme Management sa University of Oxford.
The post Bar passer na si Anna Mae Yu Lamentillo tinupad ang pangako sa ama appeared first on Bandera.

No comments: