Nico Antonio nanghingi ng sign sa pagte-take ng bar, na-inspire kay ‘Lola’

MAHIGIT isang dekada ang hinintay ng aktor na si Nico Antonio bago natupad ang kanyang pangarap na makapasa sa bar examinations at maging isang abogado.
Aminado ang anak ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso na natatakot siyang kumuha ng bar exams kaya natagalan ang kanyang pagiging certified lawyer.
"I was scared, anxious, 'di ko kasi alam kung papasa or hindi, but I was staying positive. So, when the news came out, I was shocked. It was very surreal," ang pahayag ni Nico sa panayam ng ABS-CBN.
Talagang nagtungo raw ang aktor sa simbahan para ipagdasal ang resulta ng bar exams. Nang makita niya ang pangalan sa listahan ng bar passers sa livestream ng Supreme Court of the Philippines, ay walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan.
Agad niya itong ibinalita sa kanyang asawa at inang si Atty. Joji na talaga namang tuwang-tuwa rin sa kanyang tagumpay.
Nagtapos ng abogasya si Nico noong 2014, at aminado siyang hindi pa siya totally ready noon na mag-take ng bar. Naghahanap daw siya that time ng signs hanggang sa magkausap sila ng award-winning actress at director na si Laurice Guillen sa isang acting workshop.
Tinanong daw siya nito ng, "Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? Gusto mo bang maging actor o abogado?"
"Sabi ko sa kanya, 'Ma'am, both.' Sabi niya, 'Hindi mo kayang gawin, hindi mo pwedeng gawin yan. Hindi mo pwedeng pagsabayin yan kasi mistress sila pareho. Kailangan may piliin ka!'" ani Nico.
Nang gawin daw niya ang hit Kapamilya TV series na "On the Wings of Love" nina James Reid at Nadine Lustre, ay nagsunud-sunod na ang offer sa kanya at ito na raw ang hinihintay niyang sign.
"Alam ko na ang sign, so I chose to be an actor. Pinatulog ko muna in a way," aniya.
Pero noong 2023, napanood daw niya ang 68-year-old na lola na nakapasa sa bar exam sa una pa lang nitong take, "Sabi ko, kung kaya niya, kaya ko rin."
"I came back to San Sebastian (College), I asked the dean there, 'Dean, can I re-enroll again to prepare myself for the 2025 bar exam?' Sabi niya, 'gusto mo ba online?' Sabi ko, 'no, I wanna go to school, be with classmates, recite and study para may pressure," sey ng aktor.
And the rest is history na nga para kay Nico na nag-iwan din ng message para sa mga magte-take ng bar exam, "Just keep trying.
"Not just taking the bar, but in other aspects of my life I failed so many times. I just keep trying. Today, you sulk, you cry whatever it is. Tomorrow, you pick yourself up," ani Nico.
The post Nico Antonio nanghingi ng sign sa pagte-take ng bar, na-inspire kay 'Lola' appeared first on Bandera.

No comments: