BREAKING NEWS

GF ni Michael Pacquiao basag na basag sa bashers, hindi raw feel ni Jinkee?

GF ni Michael Pacquiao basag na basag sa bashers, hindi raw feel ni Jinkee?
Jinkee Pacquiao, Michael Pacquiao at Joyce Tan Custodio

NAGSALITA na ang stylist na si Joyce Tan Custodio tungkol sa pambebengga ng mga bashers sa relasyon nila ni Michael Pacquiao.

Sa isang post sa social media site na Reddit, may nagsabing dati raw stylist ng nanay ni Michael na si Jinkee Pacquiao si Joyce. 

May mga nangnenega at bumabatikos sa relasyon nina Joyce at Michael, lalo na ang tungkol sa kanilang age gap – nasa late 30s na raw ang girl habang si Michael ay 23 pa lang.

Ang mababasa sa post ng isang netizen, "His girlfriend is an old family friend and nagulat ako upon seeing this on my news feed a few weeks ago.

"For context, Joyce (Michael's GF) is in her late 30s while Michael is 23. She used to be Jinkee's stylist. Buti okay lang kay Jinkee despite the 15-year age gap."

Iba't iba ang comments ng netizens, pero marami nga ang nagsabi na para raw magnanay o magtiyahin ang magkarelasyon dahil sa layo ng kanilang edad.

May nagsabi rin na hindi raw happy si Jinkee sa relasyon nina Michael at Joyce dahil tila tinarget daw ng dati niyang stylist ang anak nila ni Manny Pacquiao noong bata 

Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng saloobin si Joyce tungkol sa mga negatibong komento laban sa kanya, pati na sa mga netizens na nag-aaway-away dahil sa kanila ni Michael.

"Sasabog ata MESSENGER ko sa dami nagmemessage but sorry I can't answer to everyone.

"Fyi this is for everyone: My followers & Non Followers- Guys sa mga nakaka panuod ng reels/chicka videos ang cute niyo mas affected pa kayo sakin sa nababasa niyo na minsan halos maling information na nalabas sa news," ang simulang pahayag ni Joyce.

Pinayuhan pa niya ang mga netizens na kumampi sa kanya na huwag nang patulan ang mga nambabasag sa relasyon niya sa anak nina Manny at Jinkee.

"Relax lang wag po makipag away sa mga ka-comment niyo, don't put any hate in your heart whatever you read or hear bcoz' of me Life goes on and Deadmah na hindi naman nila ako kilala personally.

"Happy New year again!" mensahe pa ni Joyce.

Pahabol pa niya, "P.s. Don't worry sanay na kame, magpayaman nalang kayo kesa magaway away kayo sa comment section.

"And remember God can hear everything he will judge each & everyone of us at the end of our lives so just be kind even if the world is not."

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Michael at Jinkee hinggil sa isyung ito.

The post GF ni Michael Pacquiao basag na basag sa bashers, hindi raw feel ni Jinkee? appeared first on Bandera.


GF ni Michael Pacquiao basag na basag sa bashers, hindi raw feel ni Jinkee? GF ni Michael Pacquiao basag na basag sa bashers, hindi raw feel ni Jinkee? Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close