SexBomb Girls sa pagkalas sa grupo: Sobrang sakit-sakit na po kasi sa amin…

NASAKTAN ang dancer at talent manager na si Joy Cancio noong magdesisyon ang grupo nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia na iwan na ang SexBomb Girls.
Pag-amin ni Jopay, hindi naging madali para sa kanya at sa iba pang original members ng SexBomb Dancers ang mag-resign na sa grupo.
Taong 2013 daw nang hindi na mag-renew ng kontrata sina Jopay sa talent management ni Joy Cancio na labis daw nitong dinamdam.
Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" kay Joy na nagsilbi ring nanay-nanayan at mentor ng SexBomb, naglabas siy ng saloobin noong tumanggi nang mag-renew ng kontrata ang ilan sa kanyang mga alaga.
"Siyempre, nasaktan ako. Pero alam mo, parang ako 'yan noon, e, na sa grupo naming ng Vicor, 'yung reflection ko na 'I need to grow. I have a dream na 'yung dream ko yata hindi dito pu-push kung nandito pa ako,'" pahayag ni Joy.
Aniya pa, hindi niya magagawang buuin at pasikatin ang SexBomb Girls kung hindi niya nilisan ang Vicor Dancers, kaya naintindihan niya ang desisyon nina Jopay.
Pag-amin naman ni Jopay sa nasabi ring panayam, totoong nag-usap-usap ang ilang miyembro ng grupo na hindi na sila magre-renew ng kontrata.
"Napagkaisahan talaga si Ate Joy that day. Sobrang sakit-sakit na po sa amin 'yung mga nangyayari na 'yung sa amin, masakit na parang 'yung bata ka mag-isip.
"Hindi sobrang bata mag-isip pero 'yung parang konting kibot, masakit na, gi-give up. Immature," chika pa ni Jopay.
May pagkakataon pa nga raw na naisip nilang lumipat na lang sa ibang management, "Dumating kami doon, to be honest, Tito Boy. 'Tayo ha, lahat na tayo, hindi na tayo magre-renew.'
"Kaming anim po 'yun, hanggang sa dumating sa point na nag-meeting, sa table, nasa table kami, isa-isa niya kaming tinanong, 'Magre-renew ka?' Unang tinanong, Monique, pangalawa ako, Evette, last si Ate Rochelle," pag-alala ni Jopay.
Emosyonal pang pahayag ni SexBomb Jopay, "Masakit na iiwan ko 'yung grupo ko, may masakit din du'n sa part na 'Bakit ko iiwan?' na parang ano 'yung dahilan ko? Na parang clueless po ako.
"So hanggang sa nawala kami, may mga naiwan, may nag-stay, may mga nag-renew, kami 'yung umalis," pahayag ni Jopay.
Kuwento pa ng dancer, talagang nawalan din siya ng work noong panahong yun pero hindi siya nagpabaya at nawalan ng pag-asa. Nagpursigi siyang magtrabaho uli at mag-move on na sa nangyari.
The post SexBomb Girls sa pagkalas sa grupo: Sobrang sakit-sakit na po kasi sa amin… appeared first on Bandera.

No comments: