Kokoy de Santos biktima ng cheater na GF, single pa rin: Hindi ako naghahanap

HANGGANG ngayon ay wala pa ring dyowa at single na single pa rin ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos.
Hindi naman daw kasi siya naghahanap ng makakarelasyon pero kung may darating daw ngayong 2026 na nakatadhana sa kanya ay tatanggapin niya nang bonggang-bongga.
Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda", nataanong ang aktor kung bakit wala pa rin siyang girlfriend until now.
"Oo nga, Tito Boy. Actually, parang dito ako sa 'Fast Talk' nag-a-update ng lovelife ko, eh. Parang hinihintay ninyo ba talaga?" ang chika ni Kokoy.
Inalala ng aktor ang guesting niya noong 2023 sa "Fast Talk" na naligaw siya ng landas nang dahil sa pag-ibig. Talagang hinabol pa raw niya ang girl kahit nag-cheat ito.
"May isang point sa buhay na nawala ako since first time ko sigurong ma-in love. Binuhos ko lahat, pinaikot ko ang mundo ko sa kanya," pagbabahahi noon ng aktor.
"Pero eventually, siguro ilang years din kami noon. Nalaman ko kasi na nag-cheat. Parang binagsakan ako ng mundo rin, na parang, binigay ko rito lahat, tinalikuran ko.
"Umabot ako sa point na tumatanggi ako sa mga project na dati ako naghahabol," pahayag pa ni Kokoy sa naturang interview.
Pero sa ngayon daw, ayaw niyang magsalita nang tapos na magkakaroon na siya ng lovelife this year pero open naman ang kanyang puso sakaling may dumating na taong nakalaan para sa kanya.
"Hindi naman ako naghahanap. 'Di rin naman ako tumatanggi," aniya. At kapag may dumating, "Akin na!" ani Kokoy.
"Siguro, focus lang talaga sa goal ngayon. Kung ano man 'yung gusto kong gawin," aniya pa.
Kasali si Kokoy bagong series ng GMA 7, ang "House of Lies" na mapapanood na sa January 19, sa GMA Afternoon Prime starring Beauty Gonzalez, Mike Tan, Kris Bernal at Martin del Rosario.
The post Kokoy de Santos biktima ng cheater na GF, single pa rin: Hindi ako naghahanap appeared first on Bandera.

No comments: