Marian Rivera handang gawin lahat para ipaglaban si Dingdong at 2 anak

NANGAKO ang Kapuso Royalty couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ipaglalaban nila ang pagmamahal sa isa't isa kahit ano pa ang mangyari.
Makalipas ang 11 yeara ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, nananatili pa ring mainit at solid ang kanilang married life, kasama ang kanilang dalawang anak.
Ayon kina Marian at Dingdong, napakarami pa nilang nadidiskubre sa isa't isa at mga realizations habang tumatagal ang kanilang buhay-mag-asawa.
Sabi ni Dingdong sa guesting nila sa YouTube channel nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na "Janno & Bing", "Sa 11 years siguro mas na-strengthen lang 'yung paniniwala ko sa kung bakit namin pinili ang isa't isa.
"Mas na-reinforce din 'yung belief na kasi mas naging tutok talaga siya sa pamilya lalo na sa kids. Kasi dati 'yun talaga 'yung lagi naming pinaguusapan.
"Kung mag-aasawa tayo ganito gagawin natin, ganito ang plano natin," ang pagbabahagi pa ng Kapuso Primetime King.
Dugtong pa niya, "Ngayon mas napatunayan na tama nga 'yung sinabi noong umpisa. More than 'yung realizations. Mas na-strengthen lang 'yung paniniwala."
Sey naman ni Marian, isang katuparan ng kanyang pangarap ang magkaroon ng sariling pamilya, lalo na ang maging isang ina.
"Mas na-realize ko na ito talaga ang pangarap ko at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay na ito kasama 'yung mga anak namin.
"Si Dong kasi 'yung tipong supportive talaga siya sa lahat ng ginagawa ko.
"Doon nagiging mas makabuluhan 'yung relationship niyo na hindi lang puro saya. May pagkakataon talaga na magkakaroon kayo ng problema, may mga pagkakataon na nandoon 'yung struggle.
"Pero at the end of the day, mari-realize mo na mananaig pa rin talaga ang pagmamahal ninyo sa isa't isa," saad pa ng Kapuso Primetime Queen.
Dagdag pa ni Yanyan, "Kasi para sa akin, true love talaga is hindi lang dahil guwapo siya ngayon, provider ko siya ngayon, mas mamahalin ko siya sa panahon na yung weakness niya e napupunan ko.
"Kapag nakikita ko 'yun na 'yung kakulangan niya ay napupunuan ko, doon ko na-realize na compatible talaga kaming dalawa.
"Na ibinigay talaga siya sa akin para tulungan ko siya, at para tulungan niya ako sa mga bagay na nahihirapan ako," saad pa ni Marian.
December 30, 2014 ikinasal sina Dingdong at Marian sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City at biniyayaan ng dalawang anak – sina Zia at Sixto Dantes.
The post Marian Rivera handang gawin lahat para ipaglaban si Dingdong at 2 anak appeared first on Bandera.

No comments: