BREAKING NEWS

AJ Raval rumesbak sa tumawag sa kanya ng ‘laos’, ‘kabit ni Aljur’

AJ Raval rumesbak sa tumawag sa kanya ng 'laos', 'kabit ni Aljur'
AJ Raval at Aljur Abrenica

BUMUWELTA ang dating Vivamax Queen na si AJ Raval sa mga bashers sa social media na talagang ayaw tumigil sa pambebengga sa kanya.

May nambasag kasi kay AJ nang makiuso siya sa 2026 TikTok trend na "I wish I met you earlier." Ito yung pa-throwback sa mga naging kaganapan sa buhay mo sa nakaraang mga taon.

Ang entry post ng sexy star ay mula sa taong 2007 kung saan seven years old pa lang daw siya, habang ang current partner niyang si Aljur Abrenica ay 17 years old na that time.

Meaning, 10 years ang agwat ng kanilang edad. Ayon sa post ni AJ, batambata pa siya noon samantalang si Aljur ay bida na sa dating serye ng GMA 7 na "Zaido: Pulis Pangkalawakan."

Ang inilagay na caption ni AJ sa kanyang TikTok post, "Anong version nyo ng partner nyo? hahaha! Sorry Aljur hahaha cutie."

Kasunod nito, nilinaw ni AJ na parte lamang ng trend sa TikTok ang inilagay niya sa post na kunwari'y sinabi ni Aljur na "I wish I met you earlier."

"Just to clarify Aljur never actually said that it's only a TikTok trend. Thank you so much for understanding," ani AJ.

May mga nagkomento ng positibo sa kanyang post tulad ng mga sumusunod: 

"As time goes by nakikita na ng mga tao kung bakit sobrang minahal to ni Aljur."

"You give him dignity, you are proud of him, and you appreciate him for who he is. Not against anyone but it looks like he found peace kay AJ."

"Nag-a-unfold na napaka-beautiful pala ng soul ni AJ," ang komento pa ng isa niyang follower.

Sinagot ito ni AJ, "Thank you so much for saying that. It really means a lot. All I ever want is for him to feel happy, loved, and at peace.

"I'm just grateful we get to support each other every step of the way."

Pero may mga ilang nambasag din kay AJ. Sey ng isang hater, "Wag masyado masaya aj. Nakakatakot Yung mararamdaman mong kalungkutan soon."

"Babalik sa yo yan," ang reply naman sa kanya ni AJ.

Hirit ng isa pang basher, "Nagpapasin Naman c aljur at AJ mga Laos."

Bwelta naman sa kanya ni AJ, "Grabe no? mga papansin kakainis yag dalawang yan!!!!"

Pambebengga pa sa aktres ng isang hater, "Partner ba diay na nimo nga kabet mn ka."

Resbak ni AJ sa kanya, "Di ka pa nagsasawa, 'te, 4 years mo ng sinasabi yan."

Komento pa ng isa, "Grabe ang sakit nito marinig para kay kylie," tukoy ng netizen sa akala nito'y sinabi ni Aljur kay AJ na "I wish I met you earlier."

Sey naman ng partner ni Aljur, "Yung tropa mong ang saya-saya ng moment, tapos gustong mag-drama."

The post AJ Raval rumesbak sa tumawag sa kanya ng 'laos', 'kabit ni Aljur' appeared first on Bandera.


AJ Raval rumesbak sa tumawag sa kanya ng ‘laos’, ‘kabit ni Aljur’ AJ Raval rumesbak sa tumawag sa kanya ng ‘laos’, ‘kabit ni Aljur’ Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close