BREAKING NEWS

Nadine Lustre: Ayoko talaga mag-anak, takot ako na magre-raise ka ng tao

Nadine Lustre: Ayoko talaga mag-anak, takot ako na magre-raise ka ng tao
Nadine Lustre at Christophe Bariou

FEELING ng premyadong aktres na si Nadine Lustre, ang partner na niyang si Christophe Bariou ang kanyang "the one" at "forever."

Super happy pa rin ngayon si Nadine sa piling ni Christophe at naniniwala siya na natagpuan na niya ang lalaking nais niyang makasama habangbuhay.

Ilang taon na rin ang itinatakbo ng kanilang relasyon kaya ang tanong ng kanyang fans, ready na ba siyang maging wifey at mommy sa puntong ito ng kanyang buhay?

Sinagot ni Nadine ang question na iyan sa YouTube vlog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, kung saan napagkuwentuhan nila ang tungkol sa relasyon nila ni Christophe.

Ayon sa aktres, ramdam na ramdam niyang ibinigay na sa kanya ang "the right one" at ang lalaking mamahalin at makakasama niya hanggang ending.

Ang sundot na tanong ni Vice sa kanya, "So ready ka na maging wife?"

Tugon ni Nadine, "Parang ibang responsibility 'yan. Siguro, I mean kung mangyayari, e, 'di go."

"Feeling ko naman kasi 'yung kung ano ang nangyayari and ginagawa namin ngayon, parang ganu'n na siya. I think kasi we're both focused on working on ourselves din. 

"Meaning like naggo-grow pa kami separately and we're growing together kasi may businesses kami together. Ang dami pa naming gustong marating," pahayag ng dalaga.

At sa tanong kung ready na rin ba siyang maging ina, nagpakatotoo sa pagsagot si Nadine, "Actually ayoko talaga mag-anak. Pero kung mangyayari, kung ibibigay sa 'kin, tatanggapin ko naman."

Sey ng aktres, sa ngayon daw ay nais pa rin niyang mag-focus sa sarili at sa kanyang career, "Parang 'di ko lang kaya, kasi takot 'din ako na magre-raise ka ng tao. 

"Siyempre responsible ka d'yan. Hindi lang siya laruan, hindi lang siya cute.

"It's such a huge responsibility na takot ako 'pag nagkamali ako. I think for me din kasi, hindi pa ko tapos i-discover 'yung sarili ko.

"Tapos maga-anak ako na parang lahat ng atensyon at oras ko mapupunta sa bata. I feel like in some way baka sobrang maka-affect din siya sa akin," esplika ni Nadine Lustre.

The post Nadine Lustre: Ayoko talaga mag-anak, takot ako na magre-raise ka ng tao appeared first on Bandera.


Nadine Lustre: Ayoko talaga mag-anak, takot ako na magre-raise ka ng tao Nadine Lustre: Ayoko talaga mag-anak, takot ako na magre-raise ka ng tao Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close