BREAKING NEWS

Bea Borres pinuputakti ng mga nanlilimos online, naloka sa mga adik sa sugal

Bea Borres pinuputakti ng 'online limos', naloka sa mga adik sa sugal
Bea Borres

BAD trip na bad trip na si Bea Borres sa mga nanghihingi sa kanya ng pera online kaya naman umalma na siya nang bonggang-bongga.

Ibinuking ng aktres at social media personality ang mga natatanggap na random direct messages na natatanggap niya sa Facebook.

Naloloka si Bea dahil ang dami raw nanghihingi sa kanya ng pera para ipambili ng bagong cellphone. Aniya, yung telepono nga raw niya ay sira na pero hindi pa niya ito pinapalitan.

Nag-post si Bea sa kanyang Facebook account ng ilang litrato ng mga mensahe kung saan mababasa ang mga nanghihingi sa kanya ng pera.

"The amount of online limos i get everyday is absurd im sure mas marami pa sa ibang creators & ngl it's getting annoying.

"Been getting a lot of dms (direct message) that they need a brand new phone cuz their current phone is broken.

"Same lang tayo mga siz my phone is pasira na rin but i'm not even changing it yet tapos manlilimos kayo sa kin," ang pahayag ng vlogger.

At ang the height, may ilan pang "nanglilimos" sa kanya para gastusin sa online gambling.

"It's 2026 uso parin online limos??? tapos sometimes nanlilimos sila cuz talo sa online gambling, like is it my fault u got talo??????" ang punto pa ni Bea.

May mga kumampi sa aktres at nakisimpatya sa kanyang sitwasyon pero meron ding nagpayong hindi na sana niya ipinost at hiniya ang mga nanghihingi sa kanya ng pera.

"The 'online limos' angle feels out of touch.

"A lot of people message because they have nowhere else to go. pwedeng ignore, block, move on. you can set bounderies without demeaning people," komento ng netizen.

Reply ni Bea sa kanya, "Nah if you were to read my dms you'll get annoyed too."

Ang sey naman ng isang netizen, ibinandera raw kasi ni Bea sa socmed na marami siyang pera noon sa kanyang bank account.

"'Padamihan nlng ng pera sa bank acc.' Why you sabi sabi like that kasi, ayan tuloy they so many limos limos sayo HAHAHA," comment ng isa pang FB user.

Hirit ni Bea sa kanya, "Even before that a lot are making limos already."

The post Bea Borres pinuputakti ng mga nanlilimos online, naloka sa mga adik sa sugal appeared first on Bandera.


Bea Borres pinuputakti ng mga nanlilimos online, naloka sa mga adik sa sugal Bea Borres pinuputakti ng mga nanlilimos online, naloka sa mga adik sa sugal Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close