BREAKING NEWS

Bashers kay Gene Padilla: Sana mamatay na raw ako, pati kapatid at nanay ko

Bashers kay Gene Padilla: Sana mamatay na 'ko, pati kapatid at nanay ko
Gene Padilla at Dennis Padilla kasama ang kanilang ina

ISA si Gene Padilla sa cast ng pelikulang "Breaking The Silence" at hindi pa rin nalilimutan ng netizens na biktima rin siya ng matinding bashing sa social media.

Ito'y dahil dumalo siya sa kasal ng pamangking si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo na hindi naman siya imbitado, ayon mismo sa aktres na si Marjorie Barretto, ina ni Claudia.

Kaya pagkatapos ng screening ng "Breaking The Silence" nitong Sabado, Enero 10 ay hiningan ng feedback si Gene tungkol sa isyu nila nina Claudia at Marjorie at kung ano ang natutunan niya rito.

"Dapat ano'ng natutunan nila, hindi po ako," mabilis na sagot ng aktor.

Sabi pa niya, "Dahil unang-una, 'yung bashers, actually, that was the first time na nagkaroon ako ng ganoon karaming bashers dahil hindi naman ako sanay sa ganoon.

"Matagal na po 'yung alitan, yung mga salitaan, pero never po ako nakialam naman. Kung meron man pag-uusap, it's between the family.

"Sa side ko, with my brother, pero hindi naman kami sumagot na after nu'ng interbyu ng kabila kasi kapag sumagot pa kami, hindi po matatapos.

"At kami'y parehong part nila, part namin. Pareho lang maaapektuhan, so ang pinili namin, maging isang mabuting tao na lang.

"Sa tanda ko na po ito sa industriya at bilang tao po, napakahirap para sa akin at sa aking kapatid na gumawa ng kuwento, lalo ang kuwento ng kasinungalingan. 

"Kaya dapat mag-move on na lang tayo at hindi tayo kilala ng trolls na sinasabi, bashers. Lahat po sila, yan po ang tsismoso at tsismosa ng social media. So hindi na po sila dapat patulan," aniya.

May binanggit pa noon ang bashers kay Gene bagay na ininda nilang magkapatid dahil dinamay pa ang nanay nila.

"Mabibigat po ang binitawan sa akin na sana mamatay na ako, mamatay na kapatid ko, at mamatay na ang nanay ko. Wala po silang narinig sa akin. Wala po kayong narinig sa akin kaya ayoko po na nagpapainterbyu. Na-tsambahan n'yo lang ako.

"Naniniwala po ako na habang umeedad, habang tumatanda po tayo, it's about time na lahat ng katampuhan, nakaaway ninyo, nakagalit ninyo, ito po ang tamang panahon po para mag-ipon na tayo ng kaibigan dahil sa edad namin na ito, napakaigsi na po ng oras namin," sabi ng kapatid ni Dennis Padilla.

Ano ang reaksyon ni Gene tungkol sa isyu? "Kung may mga pamangkin po na ayaw sa amin o sa akin, okay lang po. Basta sila, gusto ko pa rin sila. Ganoon po talaga ang buhay. So God bless na lang to each and everyone," say pa ni Gene.

The post Bashers kay Gene Padilla: Sana mamatay na raw ako, pati kapatid at nanay ko appeared first on Bandera.


Bashers kay Gene Padilla: Sana mamatay na raw ako, pati kapatid at nanay ko Bashers kay Gene Padilla: Sana mamatay na raw ako, pati kapatid at nanay ko Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close