BREAKING NEWS

Meiko Montefalco nag-upgrade ng dyowa: From regular hotdog to Hungarian! 

Meiko Montefalco nag-upgrade ng dyowa: From regular hotdog to Hungarian! 
Meiko Montefalco, Patrick Bernardino at si 'Mystery Guy'

MARAMING nag-congratulate sa singer at social media personality na si Meiko Montefalco dahil sa pinaniniwalaang bago nitong boyfriend.

Ang nagkakaisang komento ng kanyang mga tagasuporta, tila nag-upgrade na raw siya ng dyowa kumpara sa nakahiwalay niyang asawa na si Patrick Bernardino.

May "pa-hard launch" daw kasi si Meiko sa bagong lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon na ipinost niya sa TikTok kamakailan. Hindi naman niya ito pinangalanan.

Kitang-kita sa naturang post na super happy na uli ngayon ang content creator, ilang buwan makalipas ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng kanyang mister.

Sey ni Meiko sa caption ng kanyang post, "May crush ata saken to. Papicture nang papicture. Pinagbigyan ko na nga!" 

Kasunod nito, nag-post na rin sa social media ang ilan sa kanyang mga kaibigan ng mga litrato at video na kuha sa birthday celebration niya kung saan makikita rin ang lalaking sinasabing karelasyon niya ngayon.

Kung matatandaan, May, 2025, nang ibuking ni Meiko sa madlang pipol ang umano'y panloloko sa kanya ni Patrick.

Nag-viral pa noon ang pagkompronta ni Meiko sa kanyang asawa matapos madiskubre na may kalandian itong ibang babae habang siya ay nasa Boracay.

Paglalantad pa niya, hindi ito ang unang beses na nag-cheat ang kanyang mister pero pinatawad pa niya ito noon. Ini-record daw niya ang pagkumpronta sa asawa para meron siyang ebidensya.

"I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn't know anything," sabi ni Meiko sa isa niyang viral video.

At ang pinakamasakit daw, may nangyari sa kanyang asawa at sa umano'y kabit nito sa mismong araw ng kanilang wedding anniversary.

Samantala, narito ang ilang komento ng netizens sa bagong pag-ibig ni Meiko.

"Good morning sa lahat! Lalo na kay Meiko na napunta na rin sa tunay na tao. Congrats!" ang pagbati sa kanya ng social media personality na si Senyora.

"From karinderia to fine dining."

"Grabe namang upgrade yan hahahaha!"

"From regular hotdog to hungarian."

"From nokia 3310 to iphone pro max ,fully paid."

"From ingrown to full grown man."

"From sigbin to prince charming."

The post Meiko Montefalco nag-upgrade ng dyowa: From regular hotdog to Hungarian!  appeared first on Bandera.


Meiko Montefalco nag-upgrade ng dyowa: From regular hotdog to Hungarian!  Meiko Montefalco nag-upgrade ng dyowa: From regular hotdog to Hungarian!  Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close