BREAKING NEWS

Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance?

Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance?
Onemig Bondoc at Aiko Melendez

MAGDYOWA na nga ba sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc? Bumigay na ba ang aktres sa panliligaw sa kanya ng dating matinee idol?

Iyan ang tanong ngayon ng kanilang mga tagasuporta matapos bumandera sa social media ang kanilang litrato na aakalain mong "couple photo" dahil sa kanilang extra sweetness.

Ipinost ni Onemig ang nasabing picture sa kanyang Instagram account na may caption na, "Happy together… after 29 yrs."

Maraming nagkomento sa post ng aktor, isa na nga riyan ang anak ni Aiko na si Marthena Jickain na mukhang boto naman sa suitor ng kanyang nanay. "Aww," ang sey ni Marthena with heart emoji.

Sa isang TikTok live, diretsahang inamin 

nina Onemig at Aiko na nasa ligawan stage pa lamang sila. Magkasama sila sa Batangas at nagdesisyong mag-live dahil pareho silang hindi makatulog.

"Are we bagay? Talaga ba? Should I give him a chance?" ang simulang hirit ni Aiko.

Sa tanong ng mga netizens kung magdyowa na ba sila, mabilis na "Hindi," ang naging sagot ni Aiko.

Sey naman ni Onemig, "I wish. Pero hindi niya pa ko sinasagot, e." Ipinagdiinan pa ng aktor na totoo ang feelings niya para sa aktres at hindi AI o artificial intelligence lamang.

Sey pa niya, halos tatlong dekada na siyang abangers na bigyan siya ni Aiko ng chance na patunayan ang kanyang tunay at wagas na pagmamahal.

Matatandaang nagrekonek ang dalawa nang mag-guest ang aktor sa YouTube vlog ng aktres noong December, 2025. Inamin doon ni Onemig na niligawan niya noon si Aiko. 

May usapan daw sila na magkikita sa Subic pero hindi dumating si Aiko, "I was waiting for three hours and my friends didn't know that I was waiting for someone, so hindi sumipot, so, I guess basted ako."

Natatawa namang sabi ng aktres at politiko, "Ako yung hindi sumipot. Bahala na kayo, sige na cheers tayo, sisiputin na kita sa Quezon City."

Sa kanilang TikTok live, sinagot ni Aiko kung bakit magkasama na silang dalawa sa Batangas, "Sinipot ko na kasi siya. Nag-usap kaming mabuti. Probably kasi I wasn't ready at the time, and I thought that he wasn't serious."

Sinagot din ni Aiko ang komento ng netizens na baka for the content lang kanilang muling pagkikita, "Hindi po kami gagawa ng pelikula nga po. Wala po kaming any project together. You know naman that Onemig is not active anymore in show business. So it has nothing to do with tsismis o whatever."

Sey naman ni Onemig, "We're just friends. Real friends."

Oh well, abangers na lang tayo kung hanggang saan hahantong ang kuwento ng ligawan sa pagitan nina Aiko at Onemig. 

The post Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance? appeared first on Bandera.


Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance? Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance? Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close