Pinky Amador matinding bashing ang natikman dahil kay Ka Tunying

"I EAT bashing for breakfast, ganu'n lang!" ang sagot ni Pinky Amador nang hingan ng reaksyon at kung ano'ng natutunan niya mula sa pamba-bash ng netizens.
Kontrabida parati ang karakter na ginagampanan na role ni Pinky sa mga projects niya kaya naging madali ito para sa mga bashers.
Ang pelikulang "Breaking The Silence" ay tungkol sa mga taong may mental health problems tulad ng anxiety, depression, bipolar, personality na nakararanas ng bullying mula sa mga taong inakalang mga kaibigan nila.
Ang plano ng direktor na si Errol Ropero sa advocacy film na ito ay sa mga eskuwelahang pampubliko at pribado ipalalabas kung saan nagmumula rin ang bullying among students kaya dapat maging aware rin ang mga teachers kung anong nangyayari sa mga estudyante nila.
Going back to Pinky, sinagot niya kung ano ang natutunan niya matapos siyang i-bash nu'ng nakaraang taon dahil sa kanyang post sa social media tungkol sa broadcaster na si Anthony "Ka Tunying" Taberna at sa iba pa.
"I think nakatulong din 'yung role ko bilang kontrabida kasi hindi maiiwasan na iba-bash ka talaga, so, matututo ka to take it with the grain of salt.
"Kasi karamihan walang picture, karamihan hindi totoong pangalan, nagtatago sa alyas or sabihin na nating baka troll sila or karamihan doon na lang sila nagkakaboses sa social media dahil wala silang boses sa totoong buhay.
"So, for me it comes with the job siyempre hindi maiiwasang may time masakit talaga at may time na mapapaisip ka.
"Pero over all when you take a step back you always have to think of the bigger picture.
"So kapag ganu'n, I just take it na siguro I'm doing my job well dahil nare-react sila," pahayag ng aktres.
Ang role ni Pinky sa pelikula ay asawa ni Jeffrey Santos at anak nila si Shira Tweg na biktima ng pambu-bully ng kanilang kasambahay noong bata pa kaya naman nang nagdalaga ay sinita niya ang yaya dahil sa pananakit nito.
Bukod kina Pinky, Jeffrey at Shira ay kasama rin sa cast sina Ramon Christopher, Rob Sy, Pekto Nacua, Bugoy Cariño, Mark Herras,, Potchi Angeles, Gray Weber, Gene Padilla, Ryrie Sophia mula sa produksyon ng Gummy Entertainment.
Maganda ang mensahe ng "Breaking The Silence" kaya pinag-iisipan din daw ni direk Errol kung ipalalabas din ito sa mga sinehan sabi ng publicist ng pelikula na si Anne Venancio.
The post Pinky Amador matinding bashing ang natikman dahil kay Ka Tunying appeared first on Bandera.

No comments: