PNP todo-bantay sa airports, seaports dahil sa arrest order laban kay Atong Ang

DESIDIDO ang Philippine National Police (PNP) na maaresto ang negosyanteng si Charlie "Atong" Ang, ayon kay acting PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr.
Sinabi ni Nartatez, naka-"heightened alert status" na ang mga pulis sa pagbabantay sa lahat ng airports at seaports sa bansa at may direktiba siya na makipag-ugnayan ang mga ito sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
May mga police intelligence at police tracker teams ang kumikilos para matunton si Ang.
Baka Bet Mo: Atong Ang pinaghahanap na dahil sa missing sabungero case
Samantala, ang Bureau of Immigration naman ay sinabing walang record na umalis ng Pilipinas ang bilyonaryong negosyante.
Naglabas ang isang korte sa Sta. Cruz sa Laguna ng arrest warrant laban kay Ang at sa 17 pang kapwa niya akusado sa kasong kidnapping with homicide kaugnay sa mga kaso ng pagkawala ng ilang sabungero.
The post PNP todo-bantay sa airports, seaports dahil sa arrest order laban kay Atong Ang appeared first on Bandera.

No comments: