BREAKING NEWS

Kim, Paulo, Jericho, Janine nagkrus ang landas, spotted sa isang event

Kim, Paulo, Jericho, Janine nagkrus ang landas, spotted sa isang event
Kim Chiu and Paulo Avelino, Jericho Rosales and Janine Gutierrez

USAP-USAPAN online sina Kim Chiu, Paulo Avelino, Jericho Rosales at Janine Gutierrez na nagkita-kita sa isang event.

Namataan silang dumalo sa intimate birthday party ng Head of Content Partnerships ng Viu Philippines na si Garlic Garcia.

Agad itong umingay sa social media dahil sa magkakaugnay na personal at propesyonal na kasaysayan ng apat na Kapamilya stars.

Matatandaang panandaliang nag-date sina Paulo at Janine noong 2022.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo first time magtatambal sa pelikula, fans super excited na

Sa kasalukuyan naman, si Janine ay boyfriend si Jericho.

Samantala, si Paulo ay nali-link ngayon kay Kim, lalo na't naging magka-partner sila sa ilang proyekto.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa dalawa hinggil sa isyung ito.

Noong Martes, January 13, kumalat sa X (dating Twitter) ang mga larawan at video mula sa nasabing salu-salo kung saan nagkasama ang apat na artista.

Sa isang video clip, makikitang binati nina Janine at Jericho si Paulo.

Kitang-kita ang palitan ng high five at bro hug ng dalawang aktor na ikinatuwa ng mga netizen.

@bryllie122606 When your timeline starts healing for real ✨ JanineEcho & KimPau spotted.  #kimpau #pauloavelino #kimchiu #fyp #fypppppppppppppp ♬ My present and future by Tokz Talks - tokz.talks

Sa hiwalay namang clip, makikitang magkatabing nakaupo sina Janine at Jericho, habang nasa tapat nila sina Paulo at Kim.

Wala namang kuhang video na nagpapakitang nagkaroon ng interaction sina Paulo at Janine, gayundin sina Janine at Kim.

Nagkasama dati sina Janine at Paulo sa 2022 romance movie na "Ngayon Kaya."

Sa panahong iyon, inamin ni Paulo na sila ay nagde-date.

Samantala, noong 2024 naman nang isapubliko nina Janine at Jericho ang kanilang relasyon matapos silang magkasama sa seryeng "Lavender Fields."

Si Jericho ay dating kasal kay Kim Jones.

Samantala, sina Kim at Paulo ay unang nagtambal sa 2023 series na "Linlang," ang Korean adaptation ng "What's Wrong with Secretary Kim," at sinundan ng kanilang unang pelikulang "My Love Will Make You Disappear."

Kamakailan lang ay pinangunahan din nila ang seryeng "The Alibi."

Dahil dito, hindi maiwasan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksyon sa tila "small world" moment ng apat na artista sa iisang event.

The post Kim, Paulo, Jericho, Janine nagkrus ang landas, spotted sa isang event appeared first on Bandera.

Kim, Paulo, Jericho, Janine nagkrus ang landas, spotted sa isang event Kim, Paulo, Jericho, Janine nagkrus ang landas, spotted sa isang event Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close