BREAKING NEWS

Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: ‘friendly, group vacation’ lang

Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: 'friendly, group vacation' lang
Mika Salamanca, Will Ashley

NILINAW ng kampo ni Mika Salamanca na walang "something" ang naging bakasyon niya sa Hong Kong kasama si Will Ashley, kasunod ng pagkalat ng mga litrato nilang magkasama online.

Sa isang pahayag na ibinandera sa pamamagitan ng opisyal na fan club ni Mika nitong Martes, January 13, kinumpirma ng management na tunay ang mga larawang kumalat, ngunit iginiit na ito ay isang "friendly, group" vacation at isinagawa "with the knowledge and support of her family."

Sinabi rin na hindi umano kasama si Will sa orihinal na plano ng Hong Kong trip.

"For clarity, Will was not part of the original plan but later joined Mika, along with other friends," saad ng statement, sabay giit na hindi intensyon ng grupo na magpasiklab ng tsismis o haka-haka.

Baka Bet Mo: Mika Salamanca, Brent Manalo ibinuking ni Vice Ganda, magdyowa na!?

Makikita sa mga viral na larawan sina Mika at Will sa iba't ibang tourist spots sa Hong Kong, mula sa paglalakad sa lungsod hanggang sa mga kuhang kumakain sila sa mga restaurant, na agad namang pinaghanguan ng espekulasyon ng netizens.

Paliwanag ng kampo ni Mika, nag-ugat ang isyu sa mga pribadong litrato at detalye na kinuha mula sa personal na account at ibinahagi nang walang konteksto, dahilan upang magkaroon ng "misunderstandings and assumptions online."

Humingi rin ng paumanhin si Mika sa mga tagahangang maaaring nakaramdam ng kalituhan o pagkadismaya, at iginiit na "it was never her intention" na nagdulot ng anumang sama ng loob.

"We respectfully ask that Mika be excluded from any romantic narratives or speculative interpretations related to this matter," dagdag pa ng pahayag, kasabay ng pasasalamat sa patuloy na pag-unawa at suporta ng fans.

Pinagtibay rin ng isa sa mga manager ni Mika na si Katrina Aguila na grupo ng magkakaibigan ang nagbakasyon sa Hong Kong at hindi lang silang dalawa. 

Ibinahagi rin niyang ilang linggo bago nito ay bumiyahe rin ang aktres sa Hong Kong kasama ang kanyang on-screen partner na si Brent Manalo, na isa ring friendly trip.

"Naka-focus po si Mika sa career niya at hindi sa lovelife," sey ni Aguila sa press.

Samantala, umani rin ng suporta ang panig ni Mika mula sa kapwa-manager na si Jan Enriquez, na sa isang Facebook post ay pinuna ang malisyosong intensyon sa likod ng unang viral post.

"Rest assured, Mika is booked and busy," wika ni Jan.

Giit pa niya, "She is working so hard para may magandang maipakita sa mga supporter niya."

Matatandaang lalong sumikat si Mika matapos ideklarang Big Winner sa "Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab" edition noong nakaraang taon, kasama si Brent. 

Kamakailan ay napanood din ang dalawa sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na "Call Me Mother."

Si Will naman ay kilala sa kanyang pagganap sa "Balota," at huling napanood sa 2025 MMFF films na "Bar Boys: After School" at "Love You So Bad," kung saan katambal niya ang kanyang love team partner na si Bianca de Vera.

The post Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: 'friendly, group vacation' lang appeared first on Bandera.


Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: ‘friendly, group vacation’ lang Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: ‘friendly, group vacation’ lang Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close