BREAKING NEWS

Barzaga naghabilin sakaling mamatay, i-donate lahat ng pera sa stray animals

Barzaga naghabilin sakaling mamatay, i-donate lahat ng pera sa stray animals

SAKALING mamatay daw siya sa pakikipaglaban sa katiwalian, may inihabilin na si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga patungkol sa kanyang pera at ari-arian.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Barzaga ng kanyang hiling kapag may nangyari sa kanya matapos kasuhan ng business magnate na si Enrique Razon.

"If I am to be killed fighting Enrique Razon, I want all of my money and property to go to stray animals," ang pahayag ng kontrobersyal na kongresista.

Sinampahan ng cyberlibel case ni Razon si Barzaga kaugnay ng umano'y mga kasinungalingan at mapanirang pahayag nito kung saan iniuugnay ang  negosyante sa katiwalian. 

Baka Bet Mo: 'Congressmeow' Kiko Barzaga binasag ng netizens: 'Crocs ka rin pala!'

Pinabulaanan ni Razon ang mga alegasyon ng congressman at ipinagdiinan na walang basehan ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ayon sa Facebook post ni Barzaga noong January 6, inakusahan niya na tumanggap umano ng suhol ang mga mambabatas na miyembro ng NUP kapalit ng pagsuporta kay Leyte 1st District Rep  at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Sa gitna ng pagsasampa ng cyberlibel case laban sa kanya, nanindigan pa rin si Barzaga na handa siyang ituloy ang pakikipaglaban kay Razon.

"I will be taking the Enrique Razon bribery case to the court," matapang na hirit ng mambabatas.

"I will be presenting the evidence of my claims in both Congress and in Court," aniya pa.

The post Barzaga naghabilin sakaling mamatay, i-donate lahat ng pera sa stray animals appeared first on Bandera.


Barzaga naghabilin sakaling mamatay, i-donate lahat ng pera sa stray animals Barzaga naghabilin sakaling mamatay, i-donate lahat ng pera sa stray animals Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close