Patay sa Cebu landfill landslie umabot na sa 8; Imee humirit ng imbestigasyon

WALONG katao na ang kumpirmadong nasawi sa landfill slide sa Cebu City.
Ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival, may 28 iba pa ang nawawala, samantalang may 18 ang nananatili sa ospital.
Inamin ni Archival na pinag-aaralan na ang posibilidad na paghinto ng search and rescue operations upang masimulan na ang search and retrieval operations.
Kaugnay sa mga alegasyon na mabagal ang ginagawang paghahanap sa mga hinihinalang natabunan ng mga basura, ipinaliwanag ng alkalde na hindi nila maaaring madaliin ang operasyon dahil lubhang mapanganib para sa rescue workers.
Baka Bet Mo: 2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026
Noong nakaraang Huwebes, January 8, gumuho ang bahagi ng waste management facility ng Prime Waste Solutions Cebu sa Barangay Binaliw.
Samantala, nais ni Sen. Imee Marcos na imbestigahan ng Senado ang lahat ng sanitary landfill sa bansa kasunod ng trahedya sa Cebu City.
Ayon kay Marcos dapat ay malaman kung sumusunod ang mga pasilidad sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.
Idinagdag pa ng senadora na sa pagdinig ay maaaring matugunan ang isyu ng basura sa bansa.
The post Patay sa Cebu landfill landslie umabot na sa 8; Imee humirit ng imbestigasyon appeared first on Bandera.

No comments: