BREAKING NEWS

Produktong petrolyo taas-presyo sa January 13

Taas-presyo sa diesel, gasolina at gaas bukas, Enero 13
INQUIRER file photo

SIMULA January 13, magtataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kompanya ng langis, P0.30 ang itataas ng halaga ng bawat litro ng gasolina at gaas o kerosene.

Samantala, ang presyo ng bawat litro ng diesel o krudo ay madadagdagan naman ng P0.20.

Baka Bet Mo: Taas-presyo sa mga produktong petrolyo sasalubong sa pagpasok ng 'Ber' months

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang posibilidad na bumba ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayon linggo.

Ayon sa ahensya sapat ang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong nakaraang linggo, natapyasan ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasolina ngunit tumaas naman ng P0.20 ang diesel at P0.10 ang kerosene.

The post Produktong petrolyo taas-presyo sa January 13 appeared first on Bandera.


Produktong petrolyo taas-presyo sa January 13 Produktong petrolyo taas-presyo sa January 13 Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close