BREAKING NEWS

Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa ‘The Kingdom’ series

Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa 'The Kingdom' series
PHOTO: Instagram/@ramsayderek07

Kung akala niyo retired na si Derek Ramsay sa pag-arte, nako, nagkakamali kayo mga ka-BANDERA!

Muli kasi siyang bibida sa spotlight makalipas ang anim na taon.

Kinumpirma mismo ng aktor na bibida siya sa upcoming primetime epic series na "The Kingdom: Magkabilang Mundo." 

Ang proyekto ay karugtong ng 2025 Metro Manila Film Festival entry na "The Kingdom," na produce by APT Entertainment at MediaQuest.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay 'kinulam' daw ng ex-dyowa kaya nag-cheat kay Ellen Adarna

Sa isang story conference, inamin ni Derek ang kanyang pag-aalangan bago bumalik sa industriya. 

Maraming offers daw ang dumating sa kanya, pero ang palagi niyang sagot daw ay "no," maliban na lang sa nasabing proyekto.

Ayon sa aktor, malaking factor sa kanyang pagbabalik ang pagbabago sa kanyang personal na buhay. 

Bagamat hindi na niya tinalakay ang kanyang publicized marital issues, pero ang binanggit niya ay 'yung kasalukuyang cancer treatment ng kanyang ama. 

Para kay Derek, ang timing ng bagong role na ito ay parang divine intervention. 

"I felt like God was telling me, this is what you should do to get your mind off everything that's happening. So, I listened and I loved the project," paliwanag niya.

Sa serye, gaganap siya bilang Rajah Siyam, isang karakter na inilarawan niyang "badass" at "bida-kontrabida." 

Makakasama niya sa cast ang mga big names tulad nina Piolo Pascual, Cristine Reyes, at Sue Ramirez. 

Isang malaking dahilan kung bakit tinanggap niya agad ang proyekto ay dahil sa pagkakataong makatrabaho ang matagal na niyang kaibigan na si Direk Mike Tuviera. 

Pagkatapos ng kanilang collaborations sa hits na "Kidlat" at "The Janitor," ramdam ni Derek ang tiwala kaya't mas madali ang kanyang pagbabalik sa trabaho.

Bago sumabak sa demanding na production, ginugol ng aktor ang holidays sa United Kingdom kasama ang kanyang mga magulang at anak na si Liana. 

Ngayong taong 2026, nakatuon ang aktor sa "inner work" at pananampalataya para harapin ang pressure ng kanyang comeback. 

"I'm very, very positive for this year," sey pa nga niya.

Sa kanyang panayam sa TV5, ibinahagi ni Derek ang excitement at paghahanda sa kanyang comeback series.

"May tiwala talaga ako kay Direk. I like his style, I love him as a friend, and human being as a person. So when he approached me with this, it wasn't as yes kaagad as it used to be pero you know, it was there. Even my dad was a big part, he told me, 'you should do this son.' My mom too. All sides are pointing in that direction, so here I am."

"I'm gonna focus on this and of course, that won't take away my priorities but I always have that attitude when I start something, I'll give it my best," sambit pa niya.

"Getting my tongue prepared to speak Tagalog and malalim na Tagalog will be a challenge," pag-amin pa ng celebrity dad.

Chika niya, "I always wanted to play a role like this, like maybe a Lapu-Lapu and this was like a historic movie, a periodic movie. But parang pinagsama-sama na lahat. Galing nga ng concept of what if the Philippines is a monarchy, that's crazy. The twists are amazing and I'm very proud to be a Filipino as I am English. But I always wanted to play a role like this."

The post Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa 'The Kingdom' series appeared first on Bandera.


Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa ‘The Kingdom’ series Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa ‘The Kingdom’ series Reviewed by pinoyako on January 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close