Ogie Diaz sa isyu nina Dennis at Jennylyn: Hindi kami naghahasik ng fake news

NAG-REACH out si Dennis Trillo kay Ogie Diaz para linawin ang isyung hindi niya dinadalaw ang magulang at hindi kasundo ng asawang si Jennylyn Mercado ang mga kapatid niyang babae.
Bukod sa post ni Dennis sa kanyang Facebook account kung saan ipinagtanggol niya ang asawa ay dumepensa rin ang manager ng mag-asawa si Tita Becky Aguila sa sariling FB account nito.
Sa "Showbiz Update" vlog kasama sina Mama Loi, Ate Mrena, Tamerlane Mopa at Oliver Carnay ito ibinalita ni Ogie noong Enero 8 na galing sa source niya at binasa sa ere na sinulat naman namin dito sa BANDERA kinabukasan, Biyernes, Enero 9.
Kaagad nag-viral ang isyu dahil parehong sikat ang mag-asawang Dennis at Jen lalo't involved ang pamilya ng aktor.
Bago nagkuwento si Ogie ay inamin nitong sinabihan sila na "fake news" ang ibinalita nila tungkol kina Dennis at Jennylyn.
"Noon pa naman lagi kaming pinagbibintangang fake news mula pa nu'ng naghiwalay ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).
"Ang mga bashing sa amin, nakakaloka (na) umabot pa ng Pasko kaya bashing to the snow (biro ni Ogie). Alam n'yo hindi na po bago sa amin 'yan na nagkakalat kami ng fake news," ani Ogie.
Sundot ni Mama Loi, "At saka 'Nay kapag may ibinabalita tayo sinasabi mo na mayroon tayong source at bukas ang ating tindahan (Showbiz Update) para sa panig ng gustong magsalita."
"Saka hindi naman natin sinasabing confirmed iyon, unless it is," sabi ni Ogie.
Dagdag pa, "Sinasabi na bakit daw sinisiraan natin ang pamilya ni Dennis Trillo, bakit daw sinasabi natin na bakit hindi magkasundo or hindi kinikita (dinadalaw) or hindi dinadalaw ni Jennylyn Mercado ang kanyang in-laws.
"Actually, binasa lang namin 'yung (mensahe) at hindi rin para sabihin ang aming source. Ganu'n po magprotekta ng source" qni Ogie.
Hirit ulit ni Mama Loi, "At saka the fact na may binasa ka 'Nay, may ebidensiya, may resibo na hindi natin inimbento."
Say ni Ogie, "Hindi naman namin malalaman 'yun kung walang nagsabi o nagkuwento. Dalawa 'yung nagsabi sa atin, pangalawa na ito ah.
"Anyway, ito na nga, nagpahayag na si Becky Aguila 'yung manager ni Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at tinext pa tayo ng kaibigang Vinia Vivar na siyang nagpi-PR sa mga alaga ni tita Becky.
"Sabi ko nga kahit pinalalabas na fake news 'yung aming balita, ilalabas ko pa rin 'yung pahayag para maging fair sa kanila (manager ng mag-asawa)," sabi ng host.
Binasa nga ni Ogie ang post ni tita Becky, "Maiintindihan ko kasi manager din ako 'yung alaga ko nasangkot magbibigay kami ng statement, ganu'n din at kailangan kong protektahan ang aking alaga. Naiintindihan kita tita Becky, ha!
"And I'm sure si Vinia Vivar alam niya kung ano ang mga trabaho namin bilang reporter. 'Yung sa amin hindi naman kami nag-imbento, meron naman kaming source at nagkataon lang na hindi naman namin puwedeng ibalandra kung sino ang source namin kaya nga source siya, eh, maiintindihan ni Vinia 'yan at si Vinia puwedeng ipaliwanag 'yan kay tita Becky.
"So hindi kami naghahasik ng fake news, sana nga fake news ito para alam natin na wala talagang ganu'n nangyari," paliwanag mabuti ni Ogie.
At dito na ikinuwento ni Ogie na nag-direct message rin sa kanya si Dennis, "Nag-DM sa amin si Dennis para linawin ang isyu para magbigay na rin ng pahayag.
"Ang sabi ni Dennis (sabay basa sa cellphone) sabi ni Dennis ay hindi na raw siya mahihiyang magsabi sa akin dahil kumportable naman daw siya at tulad ng kanyang naging press statement (ipinakita ang post ni Dennis) halos ganu'n din ang laman ng kanyang mensahe sa atin (binasa ang post ng aktor).
"Yung ibang mensahe po sa amin ni Dennis ay hindi na namin binasa dahil hindi namin naipagpaalam sa kanya," kuwento ni Ogie.
At sa mga denials na ito ng aktor at ni tita Becky ay binalikan daw ni Ogie ang kanyang source.
"Ang sabi sa akin ng source ko, 'everything I told you was true, at least he (Dennis) did not deny it. I stand by my story. So, hayun, at least fair (inilabas ang both sides)," saad ni Ogie.
Nabanggit pa na itong inilabas na balita ni Ogie ay baka maging daan na mag-usap sina Jennylyn at pamilya ni Dennis lalo na 'yung mga sisters na pinakita ang family picture ng pamilya ng aktor sa video.
Anyway, ang sinulat namin dito sa BANDERA na inirekomenda ng sister ni Dennis si Jennylyn para maging endorser ng isang produkto ay hindi raw nagkasundo sabi ni Ogie na sabi rin sa kanya ng publicist ng mag-asawa.
The post Ogie Diaz sa isyu nina Dennis at Jennylyn: Hindi kami naghahasik ng fake news appeared first on Bandera.

No comments: