Bugoy Cariño nagsisi bilang batang ama: Pero naisip ko, gift siya ni God!

AMINADO ang dating child star at former Hashtag member na si Bugoy Cariño na nakaramdam siya ng pagsisisi noong magkaanak siya sa murang edad.
Totoong nanghinayang siya sa kanyang showbiz career noong bigla siyang magkaroon ng baby pero na-realize niyang isang blessing ang pagdating sa buhay niya ng kanyang anak na si Scarlet na 7-years-old na ngayon.
"Well, aaminin ko po, nu'ng una talaga nanghinayang po talaga ako. Habang tumatagal, nare-realize ko na kumbaga parang gift siya ni God. So blessing siya," ang pahayag ni Bugoy sa panayam ng ABS-CBN.
Aniya pa, "Kumbaga nu'ng time na 'yon, mas maraming blessing na pumasok sa akin. Inalis ko na sa isip 'yong mga regrets ko at pagsisisi."
Naging tatay si Bugoy noong 16 years old pa lamang siya sa anak nila ng volleyball player na si EJ Laure na 21 anyos naman nu'ng mga panahong yun.
Ikinasal sila noong March, 2025 ilang buwan matapos ibandera ang kanilang prenuptial photoshoot sa social media.
"Natuto akong unahin family ko kesa sa sarili ko, kumbaga yung pangarap ko para sa kanila.
"Walang ibibigay si God na pagsubok, blessing, o gift na hindi natin kaya. Para sa atin talaga," pahayag pa ni Bugoy sa pagkakaroon ng sariling family sa murang edad.
The post Bugoy Cariño nagsisi bilang batang ama: Pero naisip ko, gift siya ni God! appeared first on Bandera.

No comments: